Friday , November 22 2024

E.R. Ejercito binabato!

MAGANDA na sana ang career path ng “lead stardom” ni Gov. E. R. Ejercito kahit na medyo huli na ang kanyang dating sa pagbibida sa pelikula.

After “Asiong Salonga: Kingpin ng Maynila,” sa direksyon ni Tikoy Aguiluz, sinundan naman ito ng “El Presidente” (“The Emilio Aguinlado Story”), sa ilalim ng pamamahala ni Mark Meily, at kung saan may supporting role ang senior citizen na si Nora Aunor, the perennial dog, este, underdog pala, in RP movies.

Akala ko magtutuloy-tuloy na ang “historical” films ni E. R., pero sa ikatlo niyang big production ay bumalik uli siya “goon-and-crime” cinema via “Boy Golden,” ang isa pang notorious police character noon na sinasabing siyang pumatay kay Asiong.

Sa naunang “Kingpin ng Maynila,” ang papel ni Boy Golden ay ginampanan ni John Regala, at ipinakita pa kung paano niya pinatay si Asiong sa nasabing pelikula.

Malinaw na ang peg ng “action stardom” ni E. R. ay ang tiyuhin niyang si Erap. Nothing wrong with that—it’s all in the family, anyway—except that E.R. is much older  for such underworld characters. At isa siyang kilalang government official and supposedly “public servant” kaya medyo asiwa na mga goon at criminal ang binibigyang buhay niya sa pinilakang tabing.

Sinu-sino ba ang mga adviser ni E. R. when it comes to his film career?

Maaalala na medyo baguhan at bata pa si Erap noon (at wala pa sa politika) nang gampanan niya ang mga criminal character na gaya nina Asiong Salonga, Geron Busabos at iba pa. Kaya “malaya” pa siya noon at wala pang “pananagutan” sa (voting) public.

Si E.R. ay may napatunayan na rin bilang isang politiko at pinuno ng bayan, ayon sa mga supporter niya, at sayang naman kung mata-typecast lang siya sa roles ng mga kawatan at kriminal ng lipunan.

I believe he can do better than that. I really do, peksman!

Meanwhile, let’s see what Chito Roño can do with such an old and trite material as the Boy Golden story. Baka naman may pagbabago at sorpresang dulot ang suplado at masungit na direktor ng Samar.

Remember, “remnant” din siya ng Marcos regime, gaya ng mga Estrada, at baka naman may naitatago pa siyang galing sa “krimen at kriminalidad” na simbolo ng mga matong Asiong at Boy Golden, not to mention the macabre and murderous martial rule ni Makoy.

Ngayong inumpisahan na ni Sixto (as in “Grade Six” mentality) ang “pambabato” sa mga tulad ni E. R., masasabi ba nating talagang “bigatin” na nga at mabunga ang anak ng yumaong George Estregan? Si E.R. ba ang “saving grace” ng mga Ejercito?

Takot ba sina Sixto at ang mga katropa niya sa mga “popular” public official na gaya nina E.R., Vilma at iba pa? Kanino ba “threat” si E.R. Ejercito, kung saka-sakali?

May ambisyon ba si E.R. para sa isang national position sa 2016 elections?

Sasabak na rin ba sa Senado si E.R. pagkatapos niyang maging governor ng Laguna? Kung si Vilma Santos ay pang-vice president, at talagang malaki ang chance niya, tiyak na rin ba ang pagiging senador ni E.R. sa 2016?

Sa ngayon, sa grupo ng mga Estrada at Ejercito na nasa politika, tila si E.R. lang ang may natitira pang “good image” sa panunungkulan. Si Erap ay isang malaking kapalpakan sa Maynila, at lalo pa itong titindi in the next several months or next year.

Watch out for drugs, smuggling at illegal gambling!

Si Jinggoy Estrada naman ay simbolo ng mga bilasang isda at botchang baboy sa Senado, na dulot ng PDAF scam nina Enrile, Bong at Napoles. At wala na siyang seksing ibubuga, ika nga.

At si J.V. Ejercito? Ano bang ginagawa niya sa  Senado, aber? At si Guia Gomez ng San Juan City? Mayor ba siya ng G-Liner o sa Greenhills lang, kung saan laganap ang smuggled goods from all over?

Anong kakaibang kakayahan at karisma meron ang isang E.R. Ejercito at siya’y binabato ng mga alagad, alalay at galamay ni PNoy Kano?

Sumagot ka, Sixto, at kung hindi ay pababalikin ka na sa Kinder at Nursery, where you rightfully belong. Rightfully belong daw, o!

Art T. Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Mercy Sunot Aegis

Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis

HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *