Sunday , December 22 2024

Class suit vs Meralco, ERC, DoE inihain sa SC (Sa big time power rate hike)

PANIBAGONG petisyon kontra sa big time power rate hike ang inihain kahapon sa Supreme Court (SC) laban sa Manila Electric Company (Meralco), Department of Energy (DoE) at Energy Regulatory Commission (ERC).

Ito’y sa pamamagitan ng 36 pahinang petition for certiorari and/or prohibition na inihain ng National Association of Electricity Consumers for Reforms (NASECORE), Federation of Village Associations (FOVA), at Federation of Las Pinas Homeowners Association (Folpha).

Kaugnay nito, hiniling ng mga petisyoner sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) o status quo ante order and injunction.

Ang class suit na inihain ng grupo ay humihiling sa SC na ideklarang null and void ang provisional grant na ibinigay ng ERC pabor sa power rate hike.

Kamakalawa, limang mambabatas din ang naghain ng petisyon kontra sa big time power rate hike na pinangungunahan nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate, Gabriela Rep. Luz Ilagan, Act Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Party List Rep. Terry Ridon.

Sa kanilang petisyon, hiniling ng mga mambabatas na magpalabas ang hukuman ng TRO at hiniling ang pagdaos ng oral argument kaugnay sa kaso.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *