Monday , December 23 2024

Mayor Tony cash-lixto ‘este mali’ Calixto sumasakit ang ulo sa 300 hectares SM reclamation project

00 Bulabugin JSY

NGAYONG nagsalita na rin ang general manager ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na si Peter Anthony Abaya tungkol sa ‘napaborang’ SM Land Inc., P54.5 billion reclamation project pero muling binawi ng Pasay City Council ‘e mukhang tuluyan nang sasakit ang bulsa ‘este’ ulo ni Mayor Pasay Tony Calixto.

Ayon kay Abaya, kinakailangan kumuha ng balidong legal opinion si Calixto mula sa Department of Justice (DoJ) at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos BAWIIN ng KONSEHO ang resolution na pumapayag sa proyekto ng SM Land.

Ito na rin ang nagsilbing sagot ng PRA sa sulat ni Calixto at ng Pasay City Public-Private Partnership Selection Committee (PPP-SC) na nag-i-endorse sa joint venture agreement ng nasabing LGU at ng SM.

Kinakailangan umano ang nasabing legal opinion dahil ang nasabing JVA ay hindi pwedeng i-refer sa Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) dahil wala naman silang jurisdiction sa LGU.

Kaya nga pinagsabihan din ni Abaya ang Pasay City government na huwag gamitin ang kanilang pangalan sa nasabing ‘intra-LGU’ issue.

Sinasabi umano ng PPP-SC na ang PRA ang may-ari ng nasabing proyekto. Pero ang nakadeklara sa JVA, ang city government ang project owner habang SM Land naman ang project developer.

ARAY KO PO!

‘E ano na nga mangyayari sa ‘TATLONG B as in BETLOG’ (alias Bing Lintikson, Bong Sirano, Boyet Casino) ng Pasay City Hall na  sinabing promotor ng ‘GOODWILL’ at SOP sa transaksyon na ‘yan?!

‘Yan kasi, gusto ninyo KAYO-KAYO lang ang HAPPY, kaya bigla tuloy bumalikwas ‘yung mga ‘NABUKULAN’ daw!?

Hik hik hik … sumasakit tuloy ang ulo ninyo.

By the way, Mayor Tony, baka hindi pa nakararating sa iyong kaalaman, sumampa na nga pala ‘yung kasong LIBEL na inihain mo laban sa inyong lingkod.

Kunsabagay, mas magtataka naman ako kapag na-DISMISS ‘yan. Teritoryo mo ‘yan ‘e!

Palagay ko isang araw ‘e magkikita rin tayo sa Korte o baka dumalas pa.

Hindi naman siguro makadaragdag sa SAKIT ng ULO ninyo ang kasong ‘yan ‘di po ba, Mayor?!

Baka nga na-relieve pa ang STRESS mo dahil sumampa nga ‘yung kaso …

KITA-KITS na lang po, Mayor!

What are we in power for…
TATLONG GWARDIYA NG DASMARIÑAS VILLAGE IPINAKULONG  NI MAYOR JUNJUN?!

MARIING itinatanggi ng kampo ni Mayor Junjun Binay na ipinahuli nila sa mga pulis ang tatlong gwardiya at hindi nila ipinakulong.

‘E halimbawang isa kayo doon sa tatlong gwardiya, Mayor Junjun or Mr. Joey Salgado, kaya mo bang kumontra sa harap ng Mayor na may mahabang convoy para huwag sumama sa lespu?!

Sa isang banda, dapat nga magpasalamat si Mayor Junjun dahil napakaingat ng gwardiya na  baka ginagamit lang ang pangalan niya.

Alam naman n’yo siguro ang trabaho ng isang guwardiya sa isang subdivision?

O kaya naman, baka may karanasan ‘yung mga gwardiya na madalas ginagamit ng kung sino-sinong taga-Mayor’s office ang pangalan niya kaya ng mga sandaling iyon na dis-oras na ng gabi, siniguro niyang kasama talaga si Yorme.

‘E kung hindi nga naman totoo na CONVOY ni Yorme ‘yun ‘e ‘di nalintikan ang seguridad ng Dasmariñas Village?!

Ang problema, imbes papurihan ‘yung mga gwardiya ng Dasma dahil sa pagiging maingat nila, hayon ipinadala pa sa presinto.

Onli in da Pilipins lang talaga at sa MAKATI pa?!

Mr. Salgado no need to explain …

Sabi n’yo nga ‘e KITANG-KITA naman sa video?!

‘Wag kasi kayo masyadong nagpapagabi.

BETTY CHUWAWA AT ANNA SEY,  PATRON NG 168 CHINESE VENDORS

Lumutang na naman ang dalawang Immigration notorious fixers na sina Betty Chuwawa at Anna Sey sa 4th floor ng Bureau of Immigration (BI) habang iniiimbestigahan ang 81 Chinese nationals na hinuli ng BI-Intel sa 168 shopping mall.

Dinig na dinig sa usapan ng mga illegal alien na Chinese ang pangalan ng dalawang bruhang fixers …panay daw ang call-a-friend sa kanila.

Obviously maraming kliyente ang dalawang notorious fixers ng BI sa mga nahuli kaya hindi magkandaugaga sa pagpa-PADRINO sa nasabing mga Tsekwa!

Sabi ng ilang naka-obserba, kung panahon lang ni Ex-BI Comm. Ric David Dayunyor siguradong hindi sila makapoporma at makalalapit, pero ngayon at nakapwesto na naman ang kanilang ‘fafah’ kaya parang mga ‘reyna condensada’ na naman sila na nakikipag-transact at hindi alintana ang mga nakamasid sa kanila.

Hoy mga bruha konting finesse naman at hindi ‘yung para kayong namimili ng mga isda sa palengke!

24/7 na kalakalan ng droga, patayan, 1602 at katayan….
BASECO COMPOUND KAYA PA BANG SUYURIN NG MPD!?

‘Yan ang tanong ng mga residente ng Baseco makaraang patayin ang prime witness na si Elen miranda sa pagpaslang kay Domingo A1 Ramirez ALAM coordinator leader ng Baseco chapter.

Malaking hamon sa mga tauhan ni MPD DD GEN. ISAGANI GENABE ang lugar ng BASECO na talagang lumalala ang sitwasyon ng PEACE and ORDER sa lugar.

Noong panahon ni MANILA MAYOR ALFREDO LIM ay kayang-kayang PASUKIN ng MPD lalo na ang

MANILA CITY HALL DETACHMENT o CHAPA ang nasabing lugar.

Ilan rin mga OSDO at TULAK ang tumimbuwang sa mga isinagawang operation noon ng MPD-CHAPA na pinangunahan ni Kapitan lorenzo.

‘Yan ay dahil sa UTOS ni MAYOR LIM na LINISIN ang Maynila sa lahat ng klase ng KRIMINALIDAD sa lungsod.

Tama ba ako Baseco Brgy. Chairman KRISTO HISPANO!?

Maging ang mga batang-paslit daw ngayon sa BASECO ay ALAM na alam ang kalakaran ng ILEGAL sa kanilang lugar lalo ang bentahan ng ilegal na droga.

MPD DG GANI GENABE sir, may maasahan pa ba ang mga taga-Baseco na mapatahimik ang lugar nila?

May MASAMA ‘este’ MASA nga raw ang City Hall, pero ang mas pinagkakaabalahan naman daw ay ang pagkakapitsaan!?

YORME ERAP, maniniwala lang ako sa pautot ‘este’ sinasabi mo na sisigla na ang Maynila kapag nalinis mo sa kriminalidad at napatahimik mo ang Baseco!

Sayang naman ang pera ‘este’ boto mo d’yan nitong nakaraang eleksyon!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *