Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 tanod itinumba, suspek utas din

PATAY ang dalawang barangay tanod makaraan pagbabarilin sa Calatrava, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Ayon sa testigong si Crisanto Suerto, Jr., barangay tanod, binaril ng lalaking nakasuot ng bonnet ang mga biktimang sina Ludovico Lusaria at Hilarion Quezon sa harap ng plaza ng Brgy. Lagaan dakong 9 p.m.

Ang dalawang biktimang kapwa mula sa Brgy. Anie, ay agad binawian ng buhay bunsod ng dami ng tama ng bala sa kanilang katawan.

Sinabi ni Suerto, bago ang insidente, nakita niya ang mga biktima habang nakikipagtalo sa suspek.

Makaraan ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek na kinilalang si Eleazar Espadilla, lulan ng motorsiklo. Ngunit kalaunan ay binaril at napatay din siya ng hindi nakilalang lalaki.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng paghihiganti ang motibo sa pamamaril. Sina Lusaria at Quezon ay sinasabing tumulong sa mga pulis para matunton si Espadilla na tinutugis sa kasong murder.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …