Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 Pinoy kulong sa Money Laundering sa Hong Kong

121913_FRONT

DALAWANG Filipino ang ikinulong sa Hong Kong sa kasong money laundering, ayon sa ulat ng Konsulado ng Filipinas.

Sa isang babala sa website nitong Disyembre 17, pinaalalahanan ng Consulate General ang mga Filipino sa Hong Kong na huwag hahayaang magamit ng ibang tao ang kanilang bank accounts sa pagpapadala ng pera.

“At present, two Filipinos are serving time in Hong Kong prisons for violating money laundering laws in Hong Kong,” sabi sa website.

Ngunit hindi naman agad ibinigay ng konsulado ang pangalan ng dalawang Filipino o ang sirkumstansya ukol sa pagka-aresto nila.

Nagbabala ang Consulate General sa mga Filipino na huwag agad magtitiwala sa mga tao na nakilala nila nang personal o sa Internet man at ibibigay ang kanilang mga bank account.

Hinikayat din ang mga Filipino na mag-ulat ng ano mang nalalaman nila kaugnay sa money laundering sa pamamagitan ng pagtawag sa Assistance to Nationals section ng konsulado sa numerong 9155-4023 o email [email protected].

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …