Wednesday , November 13 2024

2 patay, 5 sugatan sa bus vs motorsiklo

CAGAYAN DE ORO CITY – Nananatili sa kustodiya ng PNP ang driver ng bus ng Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) na bumangga sa isang motorsiklo sa Brgy. Tatay, El Salvador City, Misamis Oriental kamakalawa ng gabi na ikinamatay ng dalawa katao at lima ang sugatan.

Kinilala ang mga namatay sa insidente na sina Elizabeth Roa, guro ng El Salvador College, at Emilda Malana, residente ng Brgy. Sinalok, El Salvador City.

Kabilang sa limang sugatan ang driver ng motorsiklo na si Gilbert Salvo, residente ng Brgy. Carmen.

Ayon sa pulisya sa limang sugatan, tatlo rito ang nasa kritikal na kondisyon habang si Salvo ay kasalukuyang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center.

Sa inisyal na imbestigasyon, mabilis ang takbo ng RTMI bus nang banggain ang likurang bahagi ng motorsiklo.

Agad sumuko sa pulisya ang driver ng RTMI bus.

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *