Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wally, halos paliguan ng ina ng holy water (Habang ipinagpe-pray over ng mga pari at madre)

KUNG may taong hindi nahuhuli tungkol sa mga nangyayari sa kasamahang host sa Eat Bulaga na si Wally Bayola (who’s still on indefinite leave), ‘yun ay walang iba kundi si Joey de Leon.

Kuwento ni Tito Joey sa amin, hindi raw sinasadyang nakita niya ni Wally sa Tape, Inc. office dalawang linggo na ang nakararaan. He surmised na baka may kinolektang pera si Wally, na sa kabila ng kanyang suspension sa EB, in fairness, ay hindi pinuputol ng pamunuan  ang suportang pinansiyal sa kanya.

Ayon pa kay Tito Joey, Wally now sports a long beard. Nagmamadali nga raw itong makaalis ng opisina.

Pero hindi ito ang catch sa anekdota ni Tito Joey tungkol sa sinuspindeng EB host.

Sa mga hindi nakaaalam, Wally grew with people from the church tulad ng mga pari at madre. Rati kasing sakristan ang ka-tandem ni Jose Manalo.

Nang pumutok ang sex video scandal sangkot si Wally at isa sa mga EB Babes, Wally had found solace in those people from the church. Bilang suporta sa kanyang pinagdaraanan, isang pulutong ng mga taong simbahan ang nagsadya raw sa kanilang bahay para ipag-pray over siya.

Kabilang sa pray-over session na ‘yon ang butihing ina ng TV host-comedian, na habang nagaganap ang ritwal ay winiwisikan daw siya ng holy water. Takang-taka naman daw si Wally kung bakit halos paliguan na raw siya ng benditadong tubig ng ina habang umuusal ng dalangin ang mga nagsadyang pari at madre.

Gustuhin man daw ni Wally na usisain ang ina sa ginagawa nito ay nakuha niyang pigilan ang sarili. But what would he have wanted to tell his mother?

Kuwento ni Tito Joey, ”Gusto sanang sabihin ni Wally sa nanay niya na, ‘’Nay naman, hindi ako na-possess…nalibugan lang ako!’”

Sen. Chiz, ‘naharbatan’ ni Manay Lolit ng pampa-raffle

POLITICS mixed with showbiz nang sumilip si Senator Chiz Escudero sa Christmas party nitong Sabado ng Startalk of which ang nobya niyang si Heart Evangelista ang nadagdag sa mga host nito.

Clad in black collared shirt and maong jeans, it was our first time to catch the solon minus his “legislative garb.” Para lang siyang magmo-malling sans the airs that go with a man in power.

Ilang beses naming inanyayahan ang senador para kumain. But he declined, kainan din daw ang susunod nilang pupuntahan ng kasintahan na sinundo lang niya roon.

Nasa mesa ang senador na kinalulugaran din ni Lolit Solis, ang punong-abala sa pag-oorganisa ng taunang party. Famous for her “highway robbery” (read: panghaharbat), sey ni ‘Nay Lolit kay Chiz,”O, magdo-donate ka, ha?”

As if the bedimpled senator naman was left with any other choice na sumagot ng, ”Oo ba!” Tanong ni ‘Nay Lolit, ”Magkano?” Ibinalik ng senador ang tanong, ”Kayo.”

Earlier outside the dining area, nahuli namin si Chiz na pasimpleng niyaya papalayo ng kaunti ang PA (personal assistant) ni Heart. The lawmaker must have inquired from the PA kung ano o magkano ang maaari niyang maiambag sa party.

Ilang sandali pa’y nagpaalam na sina Chiz at Heart, and the raffle began. Buong ningning na inanunsiyo ni ‘Nay Lolit, ”O, nag-donate si Senator Chiz ng P10,000!”

Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …