ANG front door, o main door, ay napakahalaga sa feng shui, ito man ay front door ng bahay o front door ng negosyo.
Sa feng shui, nasasagap ng bahay ang Chi, o energy nourishment sa pamamagitan ng front door, kung gaano kalakas ito, ganoon din kalusog at higit na balanse ang front door, ganoon din kalakas at kainam ang kalidad ng enerhiya na available para sa mga naninirahan sa bahay.
Paano mailalarawan ang strong feng shui front door? Narito ang mga katangian ng front door na may malakas at mainam na feng shui:
*Walang harang, malaya ang pagdaloy ng enerhiya sa front door. Ang ibig sabihin ay dapat na walang recycling bins, may bitak na paso na patay ang halaman o iba pang items na sabagal sa daloy ng feng shui energy patu-ngo sa front door.
*Ang front door ay dapat na maayos. Ang front door ay dapat nabubuksan nang maayos at hindi maingay, ang front door ay dapat na maayos ang kabuuan at pinto nito. Walang nakausling pako sa paligid ng door frame, hindi kalawangin ang doorknobs, at dapat walang nakasabit na Christmas wreath kapag Hunyo na.
*Ang front door ay dapat na tugma sa feng shui element ng direksyon nito. Ang direksyon ng front door ay mahalaga sa feng shui, kaya upang matamo ang best energy, pumili ng feng shui color na nababagay sa feng shui element ng direksyon nito.
*Ang strong feng shui front door ay bumubukas para sa banayad na daloy ng enerhiya sa main entry. Ang pagsusumikap na makahikayat ng best feng shui energy patungo sa inyong bahay ay masasa-yang kung ang main entry ay walang good feng shui. Kailangang i-channel ang good feng shui energy patungo sa kabuuan ng bahay, at ito ay magsisimula sa main entry.
*Ang front na “sapat” ay may good relationship sa house structure. Ang strong front door ay pintuan na may mainam na proporsyon kompara sa bahay sa ka-buuan nito.
lady Choi