Magulong-magulo raw ang sistema ngayon sa Bureau of Customs (BoC).
Naguguluhan daw kasi ang mga operator at smugglers sa Aduana dahil mukhang hirap silang makapaglusot ng kanilang mga kargamento dahil nagbabantayan raw ang lahat ng bagong talagang opisyales rito.
Magmula sa OIC na si Sunny Sevilla hanggang mga mga deputy commisioners nito na kinabibilangan nina Jessie Dellosa, Anton Uvero, Maria Editha Tan.Myrna Chua,Primo Aguas at ang katatalaga pa lamang na hindi umano bata ni Finance Secretary Cezar Purisima na si Ariel Nepomuceno.
Sa bagay na ito pabor sa bansa ang pagbabantayan ng mga opisyales ng BoC dahil papasok sa kabang bayan ang buwis na dapat binabayaran pero para sa lehitimong kargamento na dapat sana’y nakapasok ng maayos sa Aduana ay mukhang taliwas ito sa gustong economic gwoth ni PNoy.
Sa ating pag-amoy sa Aduana, mahigpit ang bantayan nina Sevilla, Uvero, Dellosa at Nepomuceno kaya’t hirap na hirap umano ang mga negosyante na nagpapasok ng kargamento.
Legal man o legal ay talaga raw ngayong paiyakan at iyan ang ikinadidismaya ng lahat lalo’t higit ang mga tauhan ng BoC na nasanay sa sangkatutak na kita araw-araw.
Ibang-iba na araw ang laban sa ngayon dahil walang kasiguraduhan na mailalabas mo ang iyong parating sa araw na request mo dahil dedma ang lahat ngayon sa hatagan lalo’t ikokonsidera ngayon ang panahon ng bagsakan dahil Pasko nga naman.
Kung baga, Mr. Clean ang lahat sa BoC kaya’t dito marami ang nag-iiyakan dahil iisa ang sintemyento ng lahat at iyan ay ang salitang “gutom”.
‘Yan ang buti ng ginawa ni PNoy sa Aduana pero hindi dapat sila mag-expect ng mataas na target dahil sa sistemang guardiayahan na ngayon ay nagiging kalakaran sa dating balwarte ni Ruffy Biazon.
May paraan naman ito para maiayos ang iyan ang ating aabangan kung gaano kagaling itong si Sevilla na saradong tao ni Purisima na sobra ang lakas kay PNoy dahil nakuha niyang ipatanggal si Biazon na isang matalik na kaibigan ng pangulo.
Alvin Feliciano