Monday , December 23 2024

Mga maling gawi sa MMFF, dapat munang resolbahin!

PALAGAY namin, hindi tamang sabihin na huwag na munang pansinin ang mga mali at magtulong-tulong na lamang sa Metro Manila Film Festival matapos na angCommission on Audit na mismo ang nagsabing may pagkukulang na umaabot na sa P159-M ang MMDA sa  beneficiaries ng festival.

Alalahanin natin, ano ba talaga ang layunin niyang festival na iyan? Noong simulan niMayor Antonio Villegas ang Manila Film Festival, ang talagang gusto lang niya ay magkaroon ng exposure ang mga magagandang pelikulang Filipino na noon ay hirap makakuha ng mga sinehan dahil ang mga malalaking sinehan sa Maynila ay nakakontrata sa mga foreign film distributor. Kaya ang mga pelikulang Filipino noon ay nailalabas lamang sa Life, Globe, Center, at Dalisay theaters sa Quiapo at Sta.Cruz. Dahil sa festival na mahigpit na tinutulan noong una ng mga may-ari ng sinehan at mga foreign film distributor, nailabas ang mga pelikulang Filipino sa mga malalaking sinehan.

Noong 1975, iyang festival ay mas pinalawak, para masakop na ang noon ay Metro Manila. Kaya naglabas ng Letter of Instruction ang dating Pangulong Ferdinand Marcos, para idaos ang pista sa kabuuan ng Metro Manila, at ang lahat ng kikitain mula sa taxes ng mga pelikulang iyan sa loob ng 10 araw ay ibibigay sa Mowelfund, may kaunting bahagi ang CCP.

Noong mawala sa puwesto si Pangulong Marcos, nagsimula na rin ang pagpapalakad ng MMDA mismo sa festival. Idinadahilan pa rin ang Mowelfund, pero lumiit na nang lumiit ang natatanggap ng Mowelfund, dahil marami na ang naghahati sa kita ng festival.

Bukod sa mga manggagawa ng industriya, umaarbor na rin sa kita ng festival angOptical Media Board, isang government agency sa ilalim ng Office of the President na may budget naman mula sa general appropriations act. Ewan kung bakit kailangan pa silang umambos diyan. Mabuti sana kung hindi napipirata ang mga pelikula, pero ang lumalabas pa nga, parang may sabwatan eh. Kasi wala lang pirated habang may festival, pero pagkatapos niyon lalabas din ang pirated.

Ang matindi pa, pati ang presidente ng Pilipinas, kumukuha pa ng parte sa kita ng festival para sa kanyang social fund. Samantalang ang laki na ng discretionary funds o pork barrel ng presidente. Milyong piso rin ang social fund niya mula sa Pagcor. Pero binabawasan pa ang kita ng festival para kay “boss”.

Ang kasuklam-suklam pa riyan, hindi ba inamin ng MMDA noon mismo na ang mga opisyal nila ay tumatanggap ng “cash gifts” na umaabot din ng milyon mula sa kita ng festival dahil “sila ay nagpagod din”. Maaari bang isantabi na lang natin ang mga ganyang usapan?

Matapos tumulong at magtungo ni Justin Bieber

LOCAL CELEBS, NAGMAMADALING PUMUNTA NG TACLOBAN

NATAWA kami roon sa isang obserbasyon. Bakit nga raw ba tila nagmamadali ngayon ang mga local stars sa pagpunta sa Leyte para tumulong matapos na maunahan pa sila ni Justin Bieber na makarating doon. Maski si Willie Revillame na nagbigay ng p10-M sa DSWD, nagmamadali ngayon na mag-show sa Tacloban, matapos na ang kanyang pribadong eroplano pa ang ginamit ni Justin para makarating doon.

Ang perang nalikom ni Bieber ay umabot na raw sa isang milyong dolyar, ibig sabihin niyan ay mahigit na P42-M. Iyan nga siguro ang pinakamalaking kontribusyon ng isang celebrity sa mga biktima ng bagyong Haiyan. Pero ang mas impressive, nagpunta Roon si Bieber mismo.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *