KAHIT na sinong Herodes o Pontio Pilato pa ang italaga o ilagay niPangulong Benigno Aquino III sa Bureau of Customs, mananatiling isa ang nasabing tanggapan sa pinakabulok na ahensiya ng pamahalaan in terms of corruption sa mata ng taumbayan.
Ang napakalaking problema sa korupsiyon ay mananatili hanggang patuloy na umiiral sa ating lipunan ang tinatawag na patronage politics o pagbabayad utang sa mga indibidwal o grupo na tumulong upang maluklok sa poder ang isang halal na opisyal na gaya ni PNoy.
Hindi lamang sa kanyang mga alipores nakabaon sa utang na loob (political debts) si PNoy kundi mismong sa Partido Liberal (LP) na kanyang kinaaaniban.
Ilan bang mga opisyales at kaalyado ni Aquino ang naglagay ng kani-kanilang mga tao (directly or indirectly) sa Aduana?
Ilan lamang dito ang mga bigating indibidwal na kinabibilangan umano ng Kalihim ng Department Of Finance Cesar Purisima,Executive Secretary Paquito Ochoa, ilang senador at congressmen at iba pang VIPs.
Gustuhin man ng taong iluluklok ni Pangulong Aquino na walisin ang lahat ng dorobo at magnanakaw sa BOC, hindi nito magagawa ang mandato dahil organisado na ang mistulang MAFIA sa Aduana.
Binubuo ang nasabing MAFIA ng mismong mga tao sa gobyerno na may ilang dekada nang nakikinabang sa ilegal na kalakaran saBoC.
Sila ang tumatayong mga padrino at ninong ng bigtime smugglers.
Kaya nga base sa records, napakalaki na umaabot sa ilang daang bilyong piso in terms of taxes ang hindi makolekta ng BoC dahil sa sistemang ito. Ang iba, dinoktor ang figures o nauwi sa technical smuggling.
Hindi pa nakaka-take off sa kanyang reform agenda ang isang uupong Commissioner, eto na ang kaliwa’t kanang banat sa kanya ng media at mga kritiko para matanggap sa poder.
Obvious ang rason, nasagasaan ni Mr. Commissioner ang interes ng MAFIA.
Tanging mga opisyal lamang ng BOC ang tinaguriang “come and go” sa Aduana. Ang mga smugglers, nananatiling sila-sila pa rin.
At ang bulok na sistema, tuloy pa rin.
Muli, uulitin natin, ang mga pamosong magnanakaw diyan sa Customs gaya nina DAVID “BIGAS” TAN at ng kapwa damuho na sina JADE SANTOS at GERRY TEBES sa rice smuggling. Gamit ng mga tarantado bilang consignees ang Graphic Star, DCE, DAN’S BIKE SHOP, DONG-A PHARMA, COPPERFIELD, SOUTH PACIFIC at OPTRALINE MARKETING.
Sa mga assorted electronics na man, kilala ang mga tarantadong sina KING at JEFFREY na may base at mga bodega sa 4th Avenue, Caloocan City. Front din ng dalawang smugglers ang isang pamosong restaurant sa Ongpin.
Pagdating naman sa mga paputok o fireworks, ang gagong siVICENTE alyas “ TSENG” naman ang pasimuno. Sa beauty products naman ay isang DEONG KALBO ang may mando.
‘Eto po ang iba pang pangalan ng mga smugglers diyan sa BOC na for sure ay alam at kilalang-kilala ng mga opisyales ng Aduana.
Raul Rodriguez, Albert Jardin, Tolentino Brothers, Saulog brothers, Teves Brothers, Big Mama , Helen Tan, Dave Kalbo, Ruby Riga, Mary Zapata, Dan Zanches, Jimmy Tinio, Migs Santos, Daisy Laurente, Jerry Laurente, Rose Ong, Nori Katipunan, Lucio Ko, Danny Ngo, Edwin Sy, Marvic Briones, Fredi Moso, Anthony “Onion” Sy, Richard Ang at Deny Dayanghira.
At ang REYNA NG PLASTIC RESIN SMUGGLING na si TINAYU at anak na si GERI YU.
Ang lahat po ay kasama sa classified info ng intelligence division na pawang sangkot sa talamak na smuggling ngunit hindi matinag at masampahan ng kaso.
Sa susunod, abangan ang mga padrino ng mga Damuho!
***
Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag email sa [email protected]
Rex Cayanong