Sunday , December 22 2024

May mga baklang insekto rin!

MAAARING ituring na simple ang sex sa mga insekto: palipad-lipad at pagsasayaw, pagyakap sa tiyan, mabilis na pagkubabaw sa sahig ng kagubatan. Subalit lumilitaw sa bagong pag-aaral na ang mga enkuwentrong homoseksuwal sa mga insekto ay nagpapakita na ang pakikipagtalik nila’y maaaring may nakakubling mga komplikasyon din.

Malawak ang ginawang pag-aaral ng mga researcher ukol sahomosexual behavior ng mga hayop, partikular ang mga mammal at ibon, pero hindi ito nagawa sa mga insekto at gagamba. Para matugunan ito, isang pangkat ng mga biologist mula sa Tel Aviv University sa Israel ang nagsagawa ng pag-aaral para matunton ang lawak ng mga evolutionary explanation para sa ‘same-sex intercourse’ sa daigdig ng mga invertebrate.

Malimit sa mga insekto na dala-dala ng mga lalaki ang amoy ng babae na kanilang nakatalik, kung kaya nakapagbibigay ito ng magugulong signal o senyales sa ibang mga lalaking insekto. Sa ibang kaso ng gay sex sa mga insekto, halos magkahalintulad sa hitsura ang mga lalaki at babae kaya hindi mapagkilanlan ng mga kalalakihang insekto kung sino ang babae o lalaki na maaari nilang makatalik.

Minsan pa nga, dahil sa extreme indiscrimination, humahantong ito sa pakikipagtalik sa mga bagay na walang buhay (inanimate objects), gaya ng nakita sa mga salagubang na sumubok na makipag-sex sa mga boteng nakaenkuwentro nila.

“Ang bote ay parang babae para sa kanila,” ani Inon Scharf, isang evolutionary ecologist. “Agad nilang sinusunggaban ang oportunidad na makipag-mate dahil kung palalampasin nila ay baka hindi na sila mabigyan uli ng pagkakataon.”

Gayon pa man, sa iba namang pag-aaral ay nakakita ng ebidensya na may mas intensyonal at malisyosong motibasyon ang nasa likod ng homosexual insect sex. Halimbawa, ang mga lalaking paruparo, gamugamo at putakti ay gumagamit ng mga same-sex encounter para ma-distract ang kanilang mga karibal sa potensyal na katalik na tunay na babae. Mayroon din mga salagubang na gamit ang same-sex para mapakalat ang kanilang sperm sa ibang mga lalaki na maaaring ipasa uli sa ibang babaeng salagubang.

Dahil ang male insect anatomy ay sadyang idenisenyo na hindi makatatanggap ng male genitals, ang penetrasyon ay maaaring magresulta sa bodily damage. Subalit hindi ito problema sa lahat ng species, at dahil na rin sa hindi lahat ng insect sex ay mayroong penetrasyon. Gayon pa man, napag-alaman sa isa pang pag-aaral na mayroong mga lalaking insekto na nag-develop ng female like genitals para makaiwas sa bodily damage.

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *