DUROG ang katawan ng magkapatid na paslit matapos aksidenteng masagasaan ng truck sa San Pablo City, Laguna.
Nabatid na karga ni Jenalyn Ruiz, sugatan sa insidente, ang kanyang 1-taon gulang na anak na si Alvery, habang hawak sa kanyang kamay si Derick, 5-anyos, at papatawid sa Mahabang Parang Road sa Bgy. San Francisco, nang araruhin ng humahagibis na truck.
Agad naman sumuko sa pulisya ang driver ng truck na si Raymundo Monasteral.
(BETH JULIAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com