BAGO magtapos ang 2013 ay tinanong namin ang Kris TV host na si Kris Aquino kung ano ang Christmas wish niya.
Kaagad naman kaming sinagot ng Queen of All Media, ”three (3) new endorsements are being closed by Boy (Abunda) before the end of the year, sana all three (3) matuloy so that I may be blessed so that I can continue to share the blessings God made me a steward of.”
Oo nga, in fairness Ateng Maricris, marunong mag-share si Kris sa mga nangangailangan, katunayan ay maraming lugar na siyang napuntahan para mamigay ng tulong na sa sariling bulsa nanggagaling.
At ang huli naming balita ay noong Lunes (Disyembre 16) ay nagkaroon siya ng gift-giving sa Tondo, Manila bago tumuloy sa taping ng Kris TV kinahapunan.
Bukod sa tapings ng Kris TV at pagbisita sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban City ay bisi-bisihan din siya sa promo ng My Little Bossing kasama sina Vic Sotto, Ryza Mae Dizon, atBimby Aquino Yap.
Samantala, isa na si Kris sa miyembro ng board para sa sugar mill company ng pamilya Cojuangco na hindi naman niya ito itinanggi dahil ng tanungin namin ay, ”I have a lot to learn about applying science and research in agriculture, so I’ll be taking several seminars.”
Sa madaling salita ay sa pagnenegosyo na ang career path ni Kris at hindi na sa politika, sabagay nabanggit naman niya sa nakaraang grand presscon ng My Little Bossing na marami ng pagbabago sa buhay niya at mas gusto niyang maging simple na lang at makaipon nang husto para maski hindi siya magtrabaho ay maginhawa silang mamumuhay ng dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.
Teka, hindi pa pala nagre-renew ng kontrata niya sa ABS-CBN si Kris, ”busy pa kasi siya,” sabi ng TV executive na nakausap namin.
Reggee Bonoan