Friday , November 15 2024

‘Klepto’ ba si Ducut?

ILANG beses nang inis-nab ni dating Pampanga Rep. at ngayo’y Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Zenaida Ducut ang imbestigas-yon ng Mababang Kapulungan ng  Kongreso hinggil sa ipinatupad na bigtime power rate ng Manila Electric Company (Meralco).

Kasabay ng pagbasbas ni Ducut sa Me-ralco na maningil ng dagdag na P4.15 kada kWh ay ang pagputok  ng naging papel niya nang kongresista pa, ang pagiging ahente ni multi-billion pork barrel scammer Janet Lim-Napoles.

Isa si Ducut sa mga dating mambabatas na sinampahan ng iba’t ibang kaso na may kaugnayan sa katiwalian sa 2nd batch ng pork barrel scam.

Kung pagwawaldas sa kaban ng bayan ang inatupag ni Ducut bilang mambabatas, may dahilan ba para hindi tayo maniwala na kasabwat siya ng power cartel o ng Meralco at kanilang power suppliers, kaya niya pinayagan ang bigtime power rate hike?

Kapag nagtagal pa sa gobyerno si Ducut, malamang na mas bagay na sa kanya ang apel-yidong “Klepto.”

PRANGKISA NG ‘KILLER BUS’

NA DON MARIANO, KANSELAHIN; MAY-ARI KASUHAN, IPAKULONG

NOONG 2011 ay inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang listahan ng “most dangerous buses” sa Metro Manila .

Ang batayan ng LTFRB ay ang bilang ng mga kinasangkutan na aksidente ng mga bus na nagresulta sa kamatayan, pinsala sa tao at ari-arian kasabay nang pagbabanta na maaaring makansela ang kanilang prangkisa.

Kasama sa nasabing listahan ang Don Ma-riano Transit na pagmamay-ari ni Dra. Melissa Lim, na nahulog sa Skyway kamakalawa na ikinasawi ng mahigit 20 katao.

Ibig sabihin pala ay hanggang kapirasong papel lang ang nasabing listahan ng LTFRB kaya humantong sa malagim na kamatayan ang mga inosenteng pasahero ng Don Mariano Transit.

Ilang tao pa ba ang kailangang magbuwis ng buhay sa kalsada bago kanselahin ng LTFRB ang prangkisa ng mga “killer bus?”

Kung kapakanan ng publikong pasahero ang pag-uusapan, ang pagrepaso sa record ng mga bus company ang dapat atupagin ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya kaysa pagtuunan ng pansin ang dagdag na singil sa pasahe ng MRT at LRT.

5. 2-M MERALCO CONSUMERS,

KAILANGAN NG SAKLOLO

MUKHANG hindi tugma sa panlasa ng publiko ang kakaibang atensiyon na ibinibigay nina Pangulong Aquino at Interior Secretary Mar Ro-xas sa mga negosyo ng kanilang mga kaalyado.

Noong nakaraang Hunyo, nagkakandarapa silang magpunta sa Serendra Condominium sa The Fort, Tagig City nang sumabog ito.

Noong Linggo ng gabi ay napakabilis din ang pagresponde nila nang inatake ng Martilyo Gang ang SM North EDSA sa Quezon City .

Ang Serendra ay pagmamay-ari ng mga Ayala at ang SM North ay kay Henry Sy naman.

Pareho silang tagasuporta ng administras-yong Aquino at nabiyayaan ng malalaking proyekto sa gobyerno.

Ang hirit lang ni Juan dela Cruz sa Pangulo at kay Roxas, ang sigasig sana nila sa pagsaklolo sa mga naperhuwisyong negosyo ng kanilang kaalyado ay ipakita rin nila para protektahan ang 5.2 milyong consumers ng Meralco na hahagupitin ng bigtime power rate hike hanggang Marso 2014.

Ito naman ay kung talagang ang “boss” nila ay ang sambayanang Pilipino.

SEN. TRILLANES,

UMEEPAL NA NAMAN

UMEEKSENA na naman si Sen. Antonio Trillanes IV at ginagamit ang isyu ng Malampaya Funds para batikusin ang Palasyo.

Gusto niyang gamitin ng Malakanyang ang Malampaya Funds bilang subsidy sa power rate hike sa kabila ng naging desisyon ng Supreme Court na puwede lang gastusin ito sa “energy development.”

Nakakagulat din naman ang biglang pag-epal ni Trillanes sa usapin sa kabila ng mula ng na-ging senador siya noong 2007 ay hindi siya kumikibo sa tuwing tumataas ang singil sa kor-yente.

Ayaw naman nating isipin na mga dambuhalang kapitalista ang may-ari ng power plants ang ipatatawag ng Senado at sila rin ang mga pangunahing nag-aambag sa campaign kitty ng mga kandidato tuwing eleksiyon kaya maaaring magamit pa ang imbestigasyon sa ambisyong political ng ilang mambabatas.

Kung  talagang naniniwala ang senador na puwedeng gawing subsidy sa power rate hike ang Malampaya Funds, dapat ay mag-akda siya ng panukalang batas para mangyari ito at hindi daanin sa daldal ang kanyang saloobin.

Tutal naman ay paggawa ng batas ang totoong trabaho ng senador at hindi ang mag-im-bestiga, “in aid of extortion,” este, “in aid of le-gislation” pala.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *