Inihayag ni Horse owner Emmanuel Santos, na target ngayon ng kanyang alaga ang malalaking pakarera para sa susunod na taon 2014.
Kabilang sa paghahandaan ni Santos ang 2014 Triple Crown Championship matapos ang magaan na panalo nito sa 14th Philtobo Juvenile Championship na ginanap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ang Kid Molave ay nakitaan ng impresibong panalo para kunin ang tumataginting na premyong P1.7 milyon nang sungkitin ang nasabing titulo.
Nakitaan din ng impresibong panalo ang alaga ni Mayor Sandy Javier na si Barcelona matapos iwanan nito ng milya-milya ang mga kalaban sa nakaraang RIDGEMONT FEEDMILL & ALLTECH – PHILTOBO CUP.
Ang nasabing mananakbo ang hinuhulaang maghaharap ng mahigpit sa darating na Triple Crown sa 2014.
oOo
Lubhang may kahirapan ang karera ngayon araw kaya naman naisipan ng inyong lingkod na bahagian ko kayo ng konteng gabay sa inyong pananaya.
Mahigpit ang magiging labanan sa pagitan ng Bringer of Rain(6) at April Style(5) sa race 1, habang puwedeng tapunan ang mga kalahok na Billy the Kid (6) at entry No.5 sa race 2.
Posible namang makaulit ang Mucho Oro(4) laban kay Ultimate Paris (2) sa race 3, habang masasabi kong nakalalamang ang Face To Face (5) habang ang Vermont (2) ay para sa mga dehadista sa race 4.
Maganda ang huling panalo ng Le Choice (1), sa huling takbo nito magsisilbing mahigpit na kalaban ang Hot Gossip (10) sa race 5. Gayundin naman ang Eioneioneione (5) at Strategic Manila(1) sa race 6.
Posibleng mallamado ang Mighty Zeus (1) habang magsisilbing banta ang Queen Ramfire sa unahan sa race 7, at puwedeng lumagay kina Jenny’s Cat (4), Entry Number 3 sa race 8.
Maligayang pangangarera sa inyo mga suki!
Ni andy yabot