Friday , November 15 2024

Kaskaserong driver dapat talagang disiplinahin!

00 Bulabugin JSY

PABOR po tayo na tanggalan ng prangkisa ang Don Mariano Transit na ilang beses nang nasangkot sa iba’t ibang uri ng aksidente sa kalye.

Nagtataka naman po tayo na sa dami ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA, ang madalas na nasasangkot sa madugo at karima-rimarim na aksidente ay ang mga bus na pag-aari ng Demonyo ‘este’ Don Mariano Transit.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang operator ng Don Mariano Transit ay ‘yung operator din ng Pascual Liner noong araw.

Ibig sabihin ulit, mga beterano at tahiran na sila sa industriya ng bus. Kaya nagtataka tayo kung bakit nakakukuha pa sila ng mga demonyong DRIVER na ABUSADO at KASKASERO.

Akala yata ‘e PILOTO sila ng eroplano.

Naranasan na rin po natin pumasok sa industriya ng bus.

Lahat po ng mga beteranong transport operator, nagagawa nilang sakalin ang INJECTION PUMP para maipirmis sa 80 kph ang speed ng sasakyan.

Alam naman natin na ang mga driver at konduktor ng bus ay commission basis lamang. Bihira ang mga kompanya ng bus na nagpapasweldo nang regular sa driver at sa konduktor.

Sa isang banda, gusto rin ito ng mga driver ng konduktor dahil mas malaki ang kinikita nila kapag commission basis.

At ‘yan ang isa sa mga dahilan kung bakit mayroong mga bus na kaskasero ang mga driver. Gusto kasi nilang makarami ng biyahe at makakuha ng maraming pasahero para malaki nga ang commission nila.

Kung hindi didisiplinahin ng bus operator ang kanilang mga driver, t’yak na laging ganyan ang mangyayari. Hindi lang bus operator ang napeperhuwisyo kundi maging ang buhay ng mga pasahero.

Sana laging isaisip ng mga driver sa public transport na hawak nila ang buhay ng kanilang mga pasahero kaya dapat na maging mas maingat sila sa pagmamaneho.

At sa mga operator, pumili po kayo ng matitinong driver at obligahin ninyo ang drug at alcohol test sa kanila. Kasama po ‘yan sa obligasyon ninyo sa publiko.

Matuto sana tayo sa mga aral ng karanasan para na rin sa kaligtasan ng publiko.

PING TAMANG DUDA SA REHAB FUNDS

MUKHANG mabigat agad ang BAGAHE ni rehab czar PING LACSON.

Hindi pa man nailalatag nang husto ang eskima ng kanyang gagawing rehabilitasyon ‘e heto at nagpapautos na imbestigahan daw ang mga opisyal ng local government units (LGU) na nanghihingi ng kickbacks o tongpats.

Hindi po natin kinokontra si rehab czar Ping at lalong hindi tayo natutuwa kung mayroong tumatrabaho para sa kickbacks.

Ang sa atin lang ‘e, pwede ba, ipakita muna ninyo kung anon g MUKHA ng rehabilitasyon para sa mga nasalantang probinsiya?!

Ang laki ng pondong gagamitin d’yan. Kaya kailangan magkaroon ng overview ang sambayanan kung ano ang itsura ng gagawing rehabilitasyon.

Paano natin paniniwalaan na mayroong nagaganap na areglohan o ayusan sa mga makukuhang kickbacks ‘e ‘yung itsura nga ng REHAB program hindi pa natin nabi-visualize.

Saan nakabase ‘yung ‘TSISMIS’ na mayroon agad nagaganap na KICKBACKS?!

Politika na naman ba ito?!

Maawa kayo sa mga napinsala. Tulungan muna natin silang  makabangon.

Mas gustong makita ng mga biktima na may ginagawa ang pamahalaan kaysa nagbabangayan agad kayo sa harap nila.

Utang na loob, MAGTRABAHO na muna kayo!!!

MAG-INGAT SA MGA MANDURUKOT SA WORLD TRADE CENTER

TAON-TAON malaki ang kinikita ng World Trade Center (WTC) dahil sa Christmas Bazaar.

S’yempre dahil SOSYAL ang dating, karamihan sa mga customer d’yan sa WTC ay sure buyer.

Pero marami tayong narinig na nadedesmaya dahil marami sa kanila ang nadukutan sa loob ng WTC.

Hindi kaya ‘pakawala’ ng lespu ang mga OSDO d’yan!?

Mantakin ninyo, ang mga pumupunta d’yan ay sure buyer pero kapos na kapos sa security measures.

Walang CCTV camera for surveillance. Kulang ang security guard kaya hindi na nai-scrutinize ‘yung mga pumapasok.

Aba, baka ang susunod na mabalitaan natin ay may nalaslasan ng bag o kaya ay biglang natutukan ng balisong sa sulok.

Ano pa ang ipinagkaiba n’yan sa Divisoria?!

Paging WTC management, ang laki ng kinikita nyo sa  Christmas Bazaar kaya  i-upgrade ninyo ang SECURITY SYSTEM ninyo!

Gademet!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *