Wednesday , January 8 2025

Hataw Christmas Party, kinabog ang isang malaking tv network

121813 HATAW  Xmas

MAY ilang reporter na lumait sa isang malaking TV network na nagbigay ng ‘HAM’ sa entertainment press na inimbitahan nila sa kanilang lunch party. Ang feeling ng ilan, nainsulto sila lalo pa’t anlayo-layo ng pinanggalingan pagkatapos isang pirasong ham lang pala ang kanilang mapapala. Basta kami, quiet na lang, ang importante blessing pa rin ‘yun galing kay Lord. Pero s’yempre hindi kami masisi ng tinutukoy nating TV station, kung pupurihin namin at ng marami ang katatapos lang na yearly Christmas Party ng pinagsusulatan naming Hataw D’yaryo Ng Bayan.

Yes, kung ang halos lahat ay ginagawang escape goat  ang pag-donate nila sa Yolanda victims, ang aming butihing publisher na si Boss Jerry Yap, na kilala na may malaking puso sa industriya ay walang excuse na ganyan. Kasi ang gusto niya maging happy ang lahat ng kanyang mga tauhan sa JSY Publishing at bumubuo ng Hataw tabloid kabilang na ang mga sikat na entertainment press sa showbiz.

Saka, hindi nga lang nasulat pero malaking halaga ng cash pala ang naibigay ni sir Jerry sa Yolanda victims sa Kabisayaan. Bukod sa sariling pera na ipinadala, nag-organize pa ng dagdag na tulong mula naman sa “Bagong Umaga Bagong Pag-asa” fund raising charity concert na naging matagumpay.

Sa idinaos na party, imbes magkaroon ng nakaugaliang exhange gift, ang hiniling ni ALAM National Chairman (Jerry) sa lahat ay magdala ng Toiletries tulad ng bath soap, toothbrush, toothpaste at shampoo. Alam kasi ng pamosong negosyante na si Sir Jerry na bukod sa mga damit at pagkain ay napaka-importante ng hygiene sa tao kaya kailangan rin nila iyon.

Going back sa Christmas Party ng Hataw, hindi lang bumaha ng pagkain kundi fabulous ang mga item na ipina-raffle ni Boss Jerry kabilang na ang brand new Sharp Refregirator at Lenovo Laptop na worth P25K sa market. At sa rami ng mga ipina-raffle na nangyayari taon-taon ay nagkaroon uli ng round 2.

Hindi lang ‘yan lahat ng mga batang kasama ng kani-kanilang mga magulang ay tumanggap rin ng regalong cash kaya wala talagang umuwing luhaan at lahat ay nakangiti dahil sa hulog ng langit sa itaas ang nag-iisang si Jerry Yap. Nais ko rin pasalamatan ang tunay na nagmamahal rin sa aming si Ma’am Gloria Galuno, ganoon na rin sa mga daughter niya na sina Ms. Patpat at Ms. Karla.

Saludo ako sa inyong lahat gyud!

FAMOUS ARCHiTeCt RALPH TECSON, HINAHANGAAN SA KANYANG FIELD

SIX years na namin kakilala ang famous architect na si Ralph Tecson. Na-meet namin siya through our bossing -friend Edgard Cabangon. Very close siya (architect Tecson) sa mga Cabangon lalo na sa mag-amang Amba Antonio Cabangon-Chua at sir Edgard. Halos lahat kasi ng kanilang building establishment ay si architect ang nagdesinyo at gumawa. Kaya naman bukod sa mga nasabing business tycoon ay pinagkakatiwalaan rin ang kaibigan naming si Ralph ng mga politician lalo na ng mga Mayor sa iba’t ibang place sa Metro and outside Metro Manila. ‘Yung pagkaganda-gandang Municipal Hall sa Laguna ay gawa rin niya. Dahil husay sa kanyang field ay pinag-aagawan talaga ng malalaking company si Mr. Tecson kaya naman di rin matatawaran ang kanyang naabot sa buhay. Pero ang maganda sa kanya ay marunong siyang mag-share ng blessings sa nangangailangan. Sa kanyang sosyal na office nga sa bandang Caloocan kilala sa pagiging matulingin ang friend namin. Kinakabog pa niya ang mga politiko sa kanilang lugar.

By the way, sa darating na 2014 ay mas marami pang project na gagawin ang nasabing arkitekto.

TRIP NA TRIP SA EAT BULAGA MAY REGALONG CASH SA STUDIO AUDIENCE

Kung ang iba ay stop na sa pagtulong sa Yolanda survivor. Ang Eat Bulaga ay non-stop sa pagbibigay ng mga suporta sa maraming kababayan natin sa Kabisayaan na ngayon pa lang nag-uumpisang makabangon. Walang patid ang padala ng Bulaga ng SOS (sandata o sakuna) at flashlight mula sa EVEREADY Battery. Napaka-importante ng mga ito lalo pa’t marami sa lugar na hinagupit ni Yolanda ang wala pang koryente. Isa sa segment ng EB na todo-todo ang ginagawang pagtulong ay ang Trip na Trip na kung ano ang napanalunan ng daily winner ay idino-donate sa Yolanda victims. Maging ang studio audience ay nakatatanggap rin ng regalong cash na dalawa ang puwedeng manalo araw-araw ng P5K each.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED Rni Rommel Gonzales SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in …

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …

JohnRey Rivas

JohnRey Rivas katas ng teatro ipinagpatayo ng bahay 

HARD TALKni Pilar Mateo BAGO pumasok ang 2025, hindi natatapos ang kwentuhan namin ng bagong …

Daniel Padilla

Daniel ibinebenta na raw shares sa mga negosyo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya katotoo ang tsismis na sa pagpasok ng 2025 ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *