Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

End of the world sa dream

Gud pm po,

Npngnip q ay end of d world na dw, nkktakot  e2, tas daw po, may nakita aq na ibon, d q lng matandaan kng ano nangyari s ibon, ano kaya meaning ng drims q? kol me mr pisces, dnt post my number,  wait q po ito s tabloid nyo, tnx…

To Mr. Pisces,

Ang iyong napanaginipan na katapusan na ng mundo ay nagpapakita na ikaw ay nakararanas ng matinding stress. Sa ilang pagkakataon, pakiramdam mo’y vulnerable o helpless ka.  Maaari rin namang may koneksiyon ito sa mga nangyayari ngayong kalamidad sa ating mundo, na matapos mo itong mabalitaan o mapanood sa TV o mabasa sa diyaryo ay nakintal nang lubos ito sa iyong isipan at lumabas sa iyong panaginip.

Ang ibon sa panaginip mo ay sumisimbolo sa iyong mga mithiin o layunin sa buhay, kasama na ang pag-asa sa mga bagay na inaasam mong magkaroon ng katuparan. Ang ibon ay nagre-represent din ng joy, harmony, ecstasy, balance, at love. Ito ay nagsasaad ng maaliwalas na pananaw sa buhay. Ito ay nagsasaad din na ikaw ay nakararanas ng spiritual freedom at psychological liberation. Ito ay nagpapakita rin na may mabigat kang pasanin o dala-dala sa iyong balikat na nagkaroon ng pagbabago at nagkaroon ng kaalwanan, o kaya naman, nareresolba ang ilang mabibigat na suliranin na kinakaharap. Kung ang ibon naman sa iyong panaginip ay namatay, ito ay may kaugnayan sa disappointments. Maaaring ito ay nagpapaalala na maghahatid ito sa iyo ng suliranin, lalo na ang mga bagay na sumisiksik at gumugulo sa iyong isipan. Kung deformed or odd naman ang nakitang ibon sa iyong panaginip, ito ay indikasyon na ikaw ay may kakaibang outlook at perspective hinggil sa romance at love. Sa kabilang banda, maaaring ito ay isang pahiwatig ng kakulangan sa pang-unawa ukol sa mga bagay na may kaugnayan sa love.

Señor H

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …