NAKATATAWA, hirap din pala si Direk na humanap ng mga bagong investor para sa pelikula sana niya para sa kanyang “favorite actress”.
Talagang nadala raw kasi ang mga una niyang investors kasi talagang gumapang naman sa takilya ang kanilang ginawang pelikula.
Tingnan ninyo, hanggang ngayon hindi pa naipalalabas iyon sa mga commercial theater. Wala ring gustong maglabas niyon sa video dahil wala namang bibili kahit na sa DVD.
(Ed de Leon)