Wednesday , January 8 2025

Chairman Lopez, binigyang-pugay ang mga Pinoy

BINIGYANG-PUGAY ni ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III ang katatagan ng mga Filipino sa gitna ng mga kalamidad sa kagaganap lamang na star-studded solidarity concert na pinamagatang,  Kwento ng Pasko: Pag-asa at Pagbangon: The 2013 ABS-CBN Christmas Special.

“Ngayong taon, marami tayong mga Kapamilya na biglang nawalan ng bahay, ng hanapbuhay, ng mahal sa buhay. Pero patuloy silang nananalig sa Diyos. Isang inspirasyon ang kanilang tibay. Ngayong Pasko, dapat lang tayong magpasalamat sa kahit anong maliit na bagay na mayroon tayo. Sana rin po ay bigyan tayo ng Panginoon ng lakas para makatulong sa pagbangon ng ating mga kababayan.”

Sa kanyang Christmas message sa Kapamilya viewers sa buong mundo, pinasalamatan ni Lopez ang lahat na nakiisa sa rehabilitation efforts ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa Sagip Kapamilya calamity fund at pag-volunteer sa pag-repack ng relief goods para sa calamity survivors.

“Hinahangaan ko rin po ang mga dumalo sa Solidarity Concert at ang lahat ng bumili ng ‘Tulong Shirts.’ Marami sa kanila ang naghintay sa mahabang pila at hindi pa kinuha ang sukli. Pinatutunayan po natin na sa gitna ng pagsubok, angat ang kabutihan ng Filipino,” say pa ng may-ari ng ABS-CBN TV network.

Tulad ni papa Gabby, ikinarangal din ni ABS-CBN president at chief executive officer na si Charo Santos-Concio ang maging saksi sa pagkakaisa ng mga Filipino sa panahon ng trahedya.

“Ang taong ito ay maaalala natin hindi lang bilang taon ng trahedya, kundi taon din ng katatagan at kabutihan. Maging ang mga banyaga ay namamangha sa ipinakikita nating mga katangian. Ang mabilis na pagbangon, ang bumubuhos na tulong—ito ang nagbibigay sa atin ng kompiyansa sa kinabukasan,” sabi naman ni Ma’am Charo.

Pinakinang ang Christmas Special-turned-Solidarity Concert ng mahigit 100 Kapamilya stars kabilang ang world-class singers tulad nina Lea Salonga, Gary Valenciano, Martin Nievera, Lani Misalucha, Sarah Geronimo, at Angeline Quinto; news and current affairs personalities kagaya nina Noli de Castro, Korina Sanchez, Ted Failon, Doris Bigornia, at Boy Abunda; at TV and movie superstars tulad nina Anne Curtis, Vice Ganda, Piolo Pascual, Coco Martin, John Lloyd Cruz, Angel Locsin, Toni Gonzaga, at iba pa.

Bukod sa special production numbers ng ilan sa pinakasikat na Kapamilya stars, o mas naging makahulugan ang 2013 ABS-CBN Christmas Special dahil sa masayang musical performance ngReo Band, isang grupong binubuo ng magkakapatid na mula sa Tacloban City na isa sa mga lugar na labis nasalanta ng super bagyong Yolanda.

Dahil sa nag-uumapaw na energy at sayang ipinadama ng Reo Band, na inawit ang medley ng hits ng The Beatles, sila lamang ang kaisa-isang nakatanggap ng standing ovation mula sa audience ng Araneta Coliseum noong gabi ng Christmas Special.

Patuloy na makiisa sa TulongPH Campaign sa pamamagitan ng pagsusuot ng Tulong Shirts at pagpapadala ng ‘message of hope’ para sa mga Kapamilya na patuloy na bumabangon mula sa mga sinapit na trahedya. Kunan lang ang sarili suot ang Tulong Shirts at hawak ang personal message of hope. I-post ito sa Facebook, Twitter, at Instagram gamit ang official hashtag na #TulongPH.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “TulongPH campaign,” bumisita lamang sa ABS-CBNnews.com/TulongPH.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED Rni Rommel Gonzales SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in …

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …

JohnRey Rivas

JohnRey Rivas katas ng teatro ipinagpatayo ng bahay 

HARD TALKni Pilar Mateo BAGO pumasok ang 2025, hindi natatapos ang kwentuhan namin ng bagong …

Daniel Padilla

Daniel ibinebenta na raw shares sa mga negosyo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya katotoo ang tsismis na sa pagpasok ng 2025 ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *