REMATCH ng mga finalists noong nakaraang season ang magaganap sa salpukan ng Talk N Text at Rain Or Shine sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sa unang laro sa ganap na 5:45 pm ay magsasalpukan ang SanMig Coffee at Barako Bull.
Ang apat na koponang ito ay pawang galing sa kabiguan at naghahangad na makabalik sa win column.
Magugunitang noong nakaraang season ay winalis ng Tropang Texters ang Elasto Painters, 4-0 sa Finals ng Philippine Cup.
Ang Talk N Text, na naghahangad ng ikaapat na sunod na Philippine Cup title, ay galing sa 97-95 pagkatalo sa Barangay Ginebra San Miguel dalawang Linggo na ang nakalilipas. Sa gabi ring iyon ay naungusan ng Globalport ang Rain Or Shine, 90-88. Ang Talk N Text ay may 3-2 record samantalang may 4-2 ang Rain Or Shine.
Ang Talk N Text ay pinamumunuan nina Jayson Castro, Kelly Williams, Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo at Larry Fonacier.
Idinagdag ni coach Norman Black sa line-up ang mga rookies na sina Eliud Poligrates at Robby Celiz at free agent Danny Seigle.
Ang Rain Or Shine ay sumasandig sa mga Gilas Pilipinas members na sina Gabe Norwood, Jeff Chan at Beau Belga kasama nina Paul Lee, Ryan Arana at Chris tiu.
May tatlong rookies ang Elasto Painters sa katauhan nina Raymund Almazan, Alex Nuyles at Jeric Teng.
Ang SanMig Coffee, na nagkampeon sa nakaraang Governors Cup, ay may iisang panalo sa anim na laro.Sa huling laban ng Mixers ay sinayang nila ang 18-puntos na kalamangan sa third quarter at natalo sa Meralco Bolts, 82-74 noong Miyerkoles.
Sa pagbabalik nina James Yap, Petrer June Simon at Joe DeVance buhat sa injury ay umaasa si coach Tim Cone na makakabangon ang Mixers.
Matapos namang magwagi sa unang dalawang laro ay nakalasap ng apat na sunod na kabiguan ang Barako Bull.
Naniniwala si coach Bong Ramos na makakabalik sila sa kanilang winning ways. Siya ay umaasa kina Willie Miller, Ronjay Buenafe, Mick
(SABRINA PASCUA)