Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, isa na sa director ng Central Azucarera de Tarlac

BUHAY na buhay ang tradisyon ng Pasko sa tahanan ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa paghahanda nito.

Noong nabuhuhay pa ang kanyang ina, naging tradisyon na nito na itayo ang Christmas tree sa kanilang living room ng Nobyembre at inililigpit pagkatapos ng Three Kings.

May taunan nang nagde-deliver at gunagawa ng Christmas decors sa kanyang ina na naging daan din para ang kanilang mga gawa eh mai-supply nila sa mga sikat na shops sa Amerika gaya ng Neiman Marcus at marami pa. Naging lucky charm daw ng Color It Christmas si Tita Cory.

Kaya naman daw gustong ma-achieve ng isa sa producer ng My Little Bossing na maging mabait o mabuti para maiwan nga niya itong legacy sa kanyang boys na sina Joshua at Bimby.

Nang mawala na kasi ang kanilang ina, tinanong pa rin ng mga tao sa nasabing shop kung gusto pa rin nilang ipagpatuloy ang pagde-deliver ng decors sa kanilang tahanan. Nahiya ang mga Ate niya. And they didn’t wanna impose na raw.

But Kris featured them sa kanyang show and they did her decors na abot na abot sa celebration ng Pasko and they didn’t bill her pa.

Today, Christmas is that time of year na miss na miss ni Kris ang Mom niya and like what she said, the Christmas tree will be the lasting legacy of her mom in her and her children’s life. Pati na ang decor in their door!

Na gusto nga niyang mamana ng kanyang mga anak. Kaya gusto niya raw maging mabuti. So that in the future, they will reap din ‘yung produkto ng pagiging mabuti niya sa kapw niya.

One more thing na masusubukan ang kabutihan ni Kris eh, ang pag-upo na niya as board of directors ng kompanya ng kanilang angkan—ang Central Azucarera de Tarlac. Excited na siya trying out the corporate life.

So, wala talaga ang politika!

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …