INIINTRIGA man, hindi napigil ang pagpasok ng suwerte sa magaling na broadacaster na si Ms. Korina Sanchez. Bukod kasi sa todo ang pag-arangkada ng kanyang daily radio show na Rated Korina sa DZMM at ang patuloy na pagtaas ng ratings ng TV Patrol gayundin ng kanyang weekly Sunday magazine show na Rated K, binigyang parangal ito kamakailan ng dalawa sa pinaka-respetadong award-giving bodies ng bansa.
Binigyang parangal kamakailan ng Anak TV Awards ang programang Rated K ni Korina bilang Most Popular TV Show. Ang Anak TV Award ay ibinibigay para sa mga child-friendly na mga programang pangtelebisyon na maaari at malayang panoorin ng mga kabataan.
Sa pagtanggap ni Korina ng Anak TV Award, kasama niya ang executive producer ng Rated K na siStanley Castro na ang nag-present sa kanya ay ang kasalukuyang MTRCB Chairman na si Atty. Eugenio “Toto” Villareal kasama ang cute na cute at child sensation na si Ryzza Mae Dizon.
Sa totoo lang, hindi naman ito ang unang karangalang natanggap ni Korina at ng Rated K mula saAnak TV Awards. Hall of Famers na si Korina at ang kanyang show na Rated K dahil linggo-linggong naghahatid ito ng mga makabuluhan, magaganda, at interesting na mga feature stories na ‘di lamang maituturing na isang form of weekly entertainment para sa mga bata at sa buong pamilya. Isa rin itong palabas sa TV na kapupulutan ng aral at inspirasyon. Punompuno din ito ng mga kakaibang impormasyon at mga kamangha-manghang tunay na istorya na sumasalamin sa kultura at pamumuhay ng bawat Filipino mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao na nakatutok linggo-linggo.
Pinangaralan din si Korina sa ikatlong Makatao Awards for Media Excellenceng People Management Association of the Philippines o PMAP. Pinangaralan si Korina ng prestihiyosong awards ng PMAP bilang Female Newscaster Of The Year habang Best TV Newscast naman ang TV Patrol na co-anchor niya sina Noli De Castro at Ted Failon.
Ang PMAP ay binubuo ng mga executive sa business at industry sectors ng bansa. Kinikilala nito ang mga natatanging programa at personalidad sa media na may malaking papel sa pagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa at negosyo sa bansa.
Maricirs Valdez Nicasio