Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeron Teng College Player of the Year

PARA kay Jeron Teng, maganda ang kinalabasan ng kanyang paglalaro ngayong 2013.

Biglang uminit ang kanyang pangalan nang ginabayan niya ang De La Salle University sa titulo ng UAAP men’s basketball Season 76 at sunud-sunod ang kanyang pagiging guest sa mga programa sa telebisyon kasama ang kanyang kapatid na si Jeric.

Bukod sa kanyang mahusay na paglalaro, lutang na lutang din ang pagiging mapagkumbaba ni Teng sa kanyang sarili at sa kanyang mga kalaban.

Kaya hindi naging mahirap ang UAAP-NCAA Press Corps na piliin si Teng bilang Smart College Player of the Year sa awards night nito noong Linggo sa Kamayan EDSA.

Bukod kay Teng, mga kandidato rin para sa parangal sina Terrence Romeo ng FEU/Globalport, Raymond Almazan ng Letran/Rain or Shine, Bobby Ray Parks ng National University/Sinag Pilipinas at Ola Adeogun ng San Beda.

“Sobrang surprised ako dahil mga talented players ang kasama ko kaya blessed ako,” wika ni Teng. “Pero this award is not just for me, pero para rin sa mga teammates ko sa La Salle. Collective effort talaga dahil my teammates worked hard tulad ko para magkampeon kami this year. It would be unfair if I was called King Archer dahil tulung-tulong kaming lahat.”

Natuwa ang head coach ng La Salle na si Juno Sauler sa ipinakita ni Teng.

“He’s there to motivate his teammates,” ani Sauler. “I also like his mentality in the end game where he takes it hard to the basket.”          (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …