DAHIL inaasahan ang 2014 ay magi-ging mainit na taon, kailangan maghanda ang Pilipinas para sa isa pang malakas na bagyo tulad ng super-typhoon ‘Yolanda’, ayon sa popular feng shui master na si Hanz Cua.
“Napakainit na panahon ang expected natin sa 2014. Kakaunti lang ang ulan, na makapi-pinsala sa industriya ng agrikultura,’’ ani Cua sa kanyang taunang forecast.
Sa gitna ng hinaharap na problema sanhi ng pinsalang dulot ng Yolanda, na milyon-milyong pisong halaga ang nasirang ari-arian sa Kabisayaan at pumatay sa mahi-git 6,000 katao, si-nabi ng feng shui expert na may posibi-lidad na isa pang malakas na weather disturbance na kasing lakas ni ‘Yolanda’ ang tatamang muli sa bansa.
“Ang 2014 ay Year of the Fire Horse. Batay sa aking readings, ang elemento ng Kahoy at Apoy ang magi-ging dominante sa susunod na taon. At dahil magiging mainit ang taon, madaling mag-evaporate ang tubig. Maaaring magresulta ito sa malalakas na mga weather disturbance. May nakikita ako na halos kasing lakas ni super-typhoon ‘Yolanda.’ Expect na rin natin ang malalakas na pag-ulan at matitinding pagbaha,” ani Cua, na feng shui master din sa ilang mga kilalang celebrities at personalidad dito sa Pilipinas.
Dahil ang apoy ang isa na-ngungunang element sa nalalapit na bagong taon, asahan din ang maiinit na argumento, matinding galit at kahit na digmaan.
Sinabi ni Cua na magkakaroon din ng sakit na maituturing na pandemic ang la-laganap sa bansa sa pagitan ng mga buwan ng Abril at Setyembre.
Magpapakita din ang Peach Blossom star sa 2014 habang magpapatuloy na mag-init pa ang mga eskandalo sa sex at love triangle.
“Magiging mainit ang mga tao pagdating sa pag-ibig. Mapusok at hindi sila maawat when it comes to love,’’ aniya.
Magkakaroon din ng marami pang kasal dahil inaasahan ang 2014 bilang masuwetrteng taon para sa pag-aasawa.
Kinalap ni Tracy Cabrera