Thursday , January 9 2025

Direk Wenn, nahirapang idirehe si Vice!

INAMIN ni Direk Wenn  Deramas na sobra siyang nahirapang idirehe ang apat na character ni Vice Ganda sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy ng Star Cinema at Viva Films.

Mataas ang expectation sa kanya na magiging number one ito sa Metro Manila Film Festival.

“Kung  hindi  naman ibibigay, mamili ka na lang sa ranking 1,2, 3. Ang hirap kasi, sanay na sanay ak na maraming nakukunang eksena sa isang araw. So, may fulfilment kang uuwi na malapit nang matapos ang pelikula mo. Rito, parang hindi natatapos.

“To think, July kami nag-start, December na ngayon. Three times a week ang shooting schedule ko, walang pack-up ‘yan. Nag-iisang eksena lang ako sa isang araw kapag ‘yung apat na character ang kukunan ko.

“Kasi, eight times kong gagawin or nine kasama sina Maricel Soriano. Lahat ‘yan, ‘yung  blocking hindi ka na puwedeng umulit pa. ‘Yung pagpapatong-patong.

“Itong ‘GBBT’ ang pinaka-expensive movie to date. Apat na aleksa ang gamit ko, walang gumagawa  niyon,” dire-diretsong tsika ng award winning director.

Billing issue ni Maricel

Sa kabilang banda, nag-react ang mga tagahanga si Maricel sa naging billing ng kanilang idolo sa GBBT. ‘Yung ibang fans, nag-private message pa kay Direk Wenn na hindi maganda.

Sinagot nito ang tungkol sa issue, ”Hindi ako nakialam doon (billing & layout ng poster). Sabi, ‘wala ka naman kasing pakialam.’ Ginaganoon ako. As if, may magagawa ako. Very clear, ang Star Cinema gagawa ng layout. Hindi nila ‘yan ililihim, dadaan ‘yan sa kamay ng mga manager. So, nahawakan ‘yan ng manager nina Maricel, Boss Vic de Rosario and Shirley Kuan. They saw the layout and they said, ‘it’s okay’. I think, lakihan lang ‘yung  mukha ni Maria roon(poster).”

Walang kaalam-alam si Maricel sa pangyayaring ito. Ayaw ni Direk Wenn na mag-alala pa ang Diamond Star.

“Ayaw ko naman ma-burden si Maria nang mga ganitong bagay. Hindi naman niyasaklaw ‘yan dahil siya mismo walang FB, labas kami roon. Siya nga hindi nakikialam, lalo na ako. Pero ipinaliwanag ko ito dahil sumagot ako sa trend na ibo-boycott daw itong movie namin. Ini-explain ko, hindi ninyo puwedeng sisihin ang gumawa ng poster kasi, approved ‘yan ng mga taong nangangalaga ng career ni Maricel.”

Kinakabahan sa GBBT

NAGPAKATOTOO si Direk Wenn na inaming may kaba factor siya. Puwedeng mag-number one sa takilya ang pelikula  nina Vic Sotto at Kris Aquino,  Eugene Domingo, at ang horror film nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“’Yung ‘Pagpag’, siya ‘yung umiba ng genra, tatlo kaming comedy sa MMFF. So, alam kong may sarili ring market ang horror spagdating sa filmfest. Sana walang madehado, alam natin may one, two, three at may pang-number eight. Sana okay lang, basta kumita.”

Marami ang nakapansin sa kakaibang aura ngayon ni DirekWenn. Nag-mukhang bata ito, para nga hindi nagkasakit.

Nakatulong ng malaki ang  pamilya at ang bago niyang pag-ibig sa maaga nitong paggaling. Maayos ang buhay ngayon ni Direk  Wenn sa piling ng kanyang dalawang anak.

“Naka-suporta pa ang lovelife ko. Na-reciate ko ang lahat-lahat kasama lang ‘yung lovelife.  Minsan kasi nakalimutan ko, kaya ako nagtatrabaho para mabuhay. Ang akala ko rati, ang buhay ko ang trabaho, maling-mali.

“Ngayon kaya ako  nagtatrabaho para may pangtulong ka, may panggastos ka para mabuhay. At ‘yun ngayon ang ginagawa ko, inaalagaan ko ang sarili ko. Ang ganda-ganda ko ngayon. May salamin,  ‘yung reflection  inakausap ako, sumasagot. Ha! Ha! Ha!”

Lovelife, malaking factor sa buhay ng direktor

Malaking factor ang lovelife para kay Direk Wenn dahil may inspirasyon para maging masaya’t maligaya.

“Rati anak mo, ngayon lumuwag. May dahilan ‘yung pagpapagod mo bukod sa mga anak at sa pamilya. May magte-text, kumain ka na ba? Boss, kain ka na ng dinner,” nakatutuwang turan niya.

Pagpunta sa Tacloban

Christmas wish ni Direk Wenn, ”Ito’y walang kaplastikan. Bukod doon sa akin na kaya ko naman matupad. Kumita ang pelikula, mag-hit ang TV show, good health, ako ang magtatratbaho niyon. Pero roon sa mga hindi kaya, sana makabangon. Sana ‘yung mga nasalanta, makabangon, sincere ito. Sana man lang mayroon akong chance bukod sa makapagdala ng mga pagkain doon ng tubig, kumot. Makadala ako ng pelikula ko roon. Naniniwala ako mapapatawa ko sila roon kahit 2 hours lang.

“Sana makadala ako ng projector doo .Sana makadala ako ng white  na cloth tapos, iipunin mo sila tapos manonood sila.”

Napag-usapan nina Direk Wenn at Vice ang plano nilang pumunta sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda. Hindi lang nila masabi kung kalian mangyayari.

“Pero sana magawa namin. Sabi ko, Vice ang isang pelikula ko dalawang oras ‘yan. Kung magdadala tayo ng dalawa o tatlong pelikulang dire-diretso. Baka ang gagawin na lang nila, kumain at matulog. Kasi, tumawa na sila  ng maraming oras. May pag-uusapan sila, dream namin talaga. Sana magawa namin,” pahayag ng box-office director Wenn.

Eddie Littlefield

About hataw tabloid

Check Also

John Estrada Barbie Imperial

John umalma pag-uugnay kay Barbie 

MA at PAni Rommel Placente PUMALAG at hindi nagustuhan ni John Estrada ang kumakalat na isyu sa social …

Skye Gonzaga

Skye Gonzaga, masayang pagsabayin pagiging sexy actress at DJ

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Skye Gonzaga sa mga sexy actress na masarap …

Jak Roberto Barbie Forteza David Licauco

BarDa mas may future bilang reel/real tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus USAPANG break-up nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa 2025 pasabog sa showbiz. …

Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Pasabog ni direk Darryl patok na patok

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WHETHER we like it or not, marami ang pumapatol sa pasabog na …

Vic Sotto

Vic Sotto ‘di apektado pagkalat ng viral video

I-FLEXni Jun Nardo MASAYANG episode ang handog ng Eat Bulaga sa unang Sabado ng noontime show. Maraming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *