ARESTADO ang anim miyembro ng kilabot na karnaper sa inilatag na checkpoint makaraang dumaan ang sinasakyan nilang tricycle sa Binangonan, Rizal.
Kinilala ni P/Cinspector Bartolome Marigondon, chief of police ang mga suspek na sina Christopher Atienza, 26, driver, residente ng #1128 Punong Bayan St., Brgy., Lunsad, Binangonan, Rizal, Elmer John Aralar, 19 anyos estudyante ng Binangonan; Charvic Arabit, 20, binata, residente ng Morong; Eroll Bautista, 34, binata, driver, Binangonan, at dalawang hindi pa pinangalanan.
Inireklamo ang mga suspek ng biktimang si Amin Arada y Celestial, 49, ng Brgy. Opisyal, residente ng #145 Bonifacio St, Brgy., Libid ng nasabing bayan.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang Kawasaki Barako motorcycle with sidecar, kulay itim, with “For Registration Plate; 1 Kawasaki Barako motorcycle with sidecar, kulay itim, (PL# QW-1918), one (1) unit Samsung Cellular Phone; at fifty (50) pakete ng iba’t ibang klase ng sigarilyong nagkakahalaga ng P30,000.00.
Nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng Binangonan Municipal Police Station at sasampahan ng kaukulang kaso sa Binangonan Prosecutors Office. (Ed Moreno)