Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexy pictorial ni Alice, ikinagulat ng marami!

MARAMI ang nagulat sa ipinakitang kaseksihan ni Alice Dixson nang maging cover girl ng sikat na magasing FHM ngayong Disyembre.

Sa edad na 44, ngayon lang naisipan ni Alice na magpa-sexy pero kung tutuusin, hinog na hinog na siya na magbilad ng kanyang katawan tulad ng ginawa nina Jean Garcia at Eula Valdez noon sa nasabing magasin.

Abala ngayon si Alice sa kanyang career, at napapanood siya sa teleseryeng For Love or Money sa TV5 tuwing Huwebes ng gabi kasama sina Derek Ramsey at Ritz Azul.

Sa tingin namin, nais ni Alice na tapatan ang mga mas batang cover girls ng FHM tulad nina Marian Rivera, Sam Pinto, Bangs Garcia, Cristine Reyes, at Yam Concepcion kaya pumasok na siya sa ganitong klaseng pictorial.

Tingnan natin sa autograph signing ni Alice para sa FHM kung talagang bebenta ang kanyang pagpapa-sexy sa magasin.

Iza, Karylle at Diana, nagsama uli sa Dos

HUWAG kayong magtaka kung muling pagsahin ng ABS-CBN sina Iza Calzado, Karylle,at Diana Zubiri sa isang proyekto sa susunod na taon.

Naging trending topic sa Twitter ang guesting nilang tatlo sa sikat na talk show na Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda. Ito ang unang beses na nagsama sina Iza, Karylle, at Diana sa TV mula noong nagwakas ang kanilang sikat na fantaseryeng Encantadia ng GMA na tumagal mula 2003 hanggang 2005.

Lumipat silang tatlo sa Dos habang naiwan sa GMA ang kanilang kasamang si Sunshine Dizon.

Napapanood si Karylle ngayon sa Showtime samantalang gumawa na ng teleserye sina Diana at Iza.

Bukod dito ay nakatakdang maging host si Iza sa The Biggest Loser Pinoy Edition Season 2 sa susunod na taon.

Kitang-kita sa guesting nila sa GGV na hindi pa nawawala ang closeness nina Karylle, Iza, at Diana dahil sa tagal na nilang pagsasama sa taping ng Encantadia.

At dahil sa kuwelang guesting ng tatlo, hindi kami nagtataka kung bakit patuloy na dinodomina ng GGV ang ratings tuwing Linggo lalo na ang katapat nito’y mga pelikula ng GMA at TV5 na parehong dubbed sa Tagalog.

Michelle Gumabao, mas feel maging reporter kaysa artista

KAHIT anak siya ng dating aktor na si Dennis Roldan, mas gusto ni Michelle Gumabao na sumabak sa harap ng kamera bilang reporter.

Mula noong tinapos niya ang kanyang pagiging volleyball player sa La Salle, visible ngayon si Michelle sa GMA News TV 11 bilang co-host ng programang Sports Pilipinas.

Sa aming pakikipag-usap kay Michelle kamakailan, sinabi niya na gusto niyang matuto sa ibang sports bukod sa volleyball kaya tinanggap niya ang alok ng GMA para samahan sina Chino Trinidad at Isabel Oli sa nasabing sports show tuwing Linggo ng umaga.

Idinagdag ni Michelle na tama na ang isa niyang kapatid na si Marco bilang artista sa pamilya.

Tinatapos din ni Michelle ang kanyang pag-aaral sa La Salle.

Sa kanyang pagiging matangkad at maganda, marami ang nagsasabing puwede namang maging artista o beauty queen si Michelle ngunit hindi niya ito pinag-iisipan sa ngayon.

Pero hindi niya isinasantabi ang paggawa niya ng commercials dahil in demand siya bilang product endorser.

Natutuwa rin si Michelle dahil ilan sa mga kasamahan niyang mga volleyball player ay sumasabak na rin sa harap ng kamera tulad ni Gretchen Ho na sports host siya ngayon sa ABS-CBN samantalang pumasok sa pagiging modelo si Rachelle Anne Daquis.

Naging artista na rin si Jed Montero na lumabas sa teleseryeng Dugong Buhay ng Dos na pinagbibidahan ni Ejay Falcon.

James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …