Monday , December 23 2024

Pumalit sa kustoms pawang mga anghel

Hindi marahil mag-rereklamo ang pa-munuan ng Bureau of Customs  dahil sila ay pawang mga anghel kompara sa mga pinalitan nila. Ito ang pabirong kantiyaw ng mga naiwanan sa Bureau matapos ang malawakang cleansing  na isinagawa ni Secretary Purisima. Ang mga anghel sa lupa ay may so-called “untarnished angel,”andiyan din ang “angel in disguise.”

Hindi kaya manibago ang port users sa so-called “No take policy” ng bagong pamunuan? Maganda ito sapagkat hindi maha-harass ang port users ng mga “task groupa” na talagang naglipana noong bago magkaroon ng cleansing si Secretary Purisima na may backing naman ni PNoy.

Kaya may butas itong “No take policy” ng Bureau ngayon. Ang makikinabang nito ay ang mga customs broker. Bakit ‘ika ninyo? Dahil hindi na nila sapilitang HAHATAGAN ang mga TASK GROUP maging ang individual na opisyal na lubhang mas malaki ang kanilang tara (grease mo-ney).

Intact syempre ang magagaling sa mga im- porter na hawak ng mga dating broker. Kasama ito sa budget ng mga broker na kanilang isinasama para sa mga kotongero. Mahigit na 2l tong group ang binibigyan sa MICP at Port of Manila pa lang. Hindi pa kasama ang NAIA at mga probinsya.Tinataya na milyones and naihaha-tag sa mga group na ito kada linggo. Ngayon nawasak na sila. Ang karamihan sa kanila itinapon pa sa kangkungan ng DoF.

Kasunod nito ipinalit ang mga natanggal na “anghel” kung tawagin. Expected din sila na ipapatupad ang tunay na mga reform program, kasama na rito ang pagbabalik sa taripa  o buwis sang-ayan sa batas, hindi sa kagustuhan ng mga taga-bureau.

Ang magiging problema rito maaaring hindi kagatin ng mga customs broker na sanay sa baldugan ng presyo ng buwis. May sariling benchmark system, na ang presyo ng mga kargamento idinaraan lang sa tila Divisoria, por kilo or per container van “if the price is right.”

Kapag naman itinaas ang value ng mga kargamento halimbawa one hundred to three hundred percent or more bawat container van at ito ay dapat timbangin alinsunod sa batas. Tiyak na maraming broker na baka tumigil pansamantala kung hindi sila gaganang masyado.

Sa totoo lang, hindi sanay  makipag-tran-saction  ang  mga consignee na may hidden agenda. Baka raw wala silang kitain.

Lalo  pa ngayon na pawang mga mga “anghel”  ang nagpapalakad ng BoC.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *