Monday , December 23 2024

Martin, nabago ang pananaw sa buhay dahil sa Positive!

MALAKI ang pasalamat ni Martin Escudero sa pamunuan ng TV5 dahil dito siya nabigyang pagkakataon para lalong ipakita ang talent sa pag-arte. Rito rin sa Kapatid Network siya nabigyan ng malaking project tulad ng Positive na napapanood tuwing Huwebes. Sa positive rin napatunayang isang tunay na alagad ng sining si Martin.

Aminado si Martin na maraming nabago sa kanyang pagkatao simula nang gampanan niya ang isang kakaibang character sa Positive. Mas marami siyang naunawan ukol sa mga taong nagkakaroon ng HIV.

Nakausap namin sa last taping day ng Positive si Martin at aminado itong nabago ang pananaw niya sa buhay dahil sa rami ng pinagdaanan ng kanyang karakter sa first ever HIV-theme seryeng Positive. Noong December 11 ang last taping day nito subalit mapapanood pa ito hanggang 2014.

“Talagang binago ng experience ko kung paano ko tingnan ang buhay. Sa mga encounter ko with people living with HIV (PLHIVs), natutuhan ko na walang makapipigil sa kagustuhan ng isang taong mabuhay kahit pa may AIDS.”

Sinabi pa ni Martin na noong day one ng taping nila ng Positive, wala rin siyang alam tungkol sa HIV at AIDS katulad ng maraming Filipino. Ngayon, dahil na rin sa kanilang serye, nakakasama siya sa mga effort ng AIDS Society of the Philippines upang makatulong na magbigay kaalaman tungkol sa sitwasyon ng lumalaganap na sakit na ito sa bansa.

“‘Yung role ko bilang si Carlo, hindi naman natatapos ‘yun ‘pag natapos na itong Positive. Lifetime commitment na ‘yun, hindi lang bilang isang artista kundi bilang isang tao na makatulong na ma-educate ‘yung mga kababayan natin tungkol sa HIV.”

Bukod sa maraming natutuhan, masaya rin si Martin dahil positibo rin ang naging pagtanggap ng community sa programa nila. Marami sa mga nakakasama nilang PLHIVs ang natutuwang nabigyan sila ng TV5 ng paraan upang pag-usapan ang sitwasyon ng sakit na ito sa ating bansa.

Samantala, patuloy pa rin ang paghahanap ni Carlo ng mga sagot tungkol sa kanyang kondisyon. Sa kanyang kagustuhang bigyang kahulugan ang mga natitirang sandali ng kanyang buhay, magvo-volunteer siya sa isang NGO na nangangalaga ng mga batang positibo sa HIV at AIDS. Makikilala niya si Boknoy, isang makulit at bibong batang naulila nang masalanta ang kanyang pamilya ng bagyong Yolanda. Ang tanging hiling lamang ni Boknoy ay mahanap ang kanyang nawawalang ama. Tutulungan siya ni Carlo ngunit hindi ito magiging madali. Bukod kasi sa mahirap ang gagawing paghahanap bilang na rin ang oras ni Boknoy dahil sa lumalala nitong karamdaman. Sa kanilang pagtatagpo, magkakaroon ng mga panibagong aral na mapupulot si Carlo tungkol sa buhay, bilis ng panahon, at pagmamahal.

Magkakaroon din ng special tribute ang Positive sa nasabing episode bilang paggunita na rin sa World AIDS Day, alay para sa mga namayapang PLHIVs.

Napapanood ang Positive tuwing Huwebes, 9:00 p.m. sa TV5, pagkatapos ng For Love or Money.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *