MAS lalo raw sumama ang collection deficit ng Bureau of Internal Revenues (BIR) sa ilalim ng administrasyon ni PNoy.
Ang BIR at ang Bureau of Customs ay kapwa nasa ilalim ng Department of Finance (DoF).
Sa dalawang ahensiyang nabanggit, na may malaking papel sa tax collections, pero ang tila nakikita nating masyadong napag-iinitan lang ‘e ang Bureau of Customs.
Nabanggit na natin sa mga nakaraang kolum na maraming opisyal ng BoC ang itinapon doon sa isang bodega ‘este’ opisina sa Bangko Sentral ng Pilipinas – ang DOF – Customs Police and Research Office (CPRO).
Sa CPRO – ang mga opisyal ng BoC na dating nakatulong nang malaki sa koleksiyon ng Bureau ay tila IBINURO. Pinalitan sa kanilang mga pwesto ng mga bago at hindi taga-loob ng Bureau.
At d’yan tayo nagtataka nang husto.
Bakit ang mga taga-Customs ay tila grabeng pinarurusahan, pero ‘yung BIR na mas malaki pa ang SABLAY, halos P300 bilyones ang hindi makolektang buwis ‘e kasama pang nagdidiin sa mga opisyal ng Customs.
SONABAGAN!
Hindi ba pwedeng maging PAREHAS ang DoF sa pagtrato sa kanyang mga ahensiya?!
Kung ‘yung mga taga-Customs na sinabi nilang kapos ang koleksiyon ‘e nai-destiero nila sa CPRO ‘e bakit ‘yung mga opisyal ng BIR hindi nila maibartolina ‘este’ mailagay rin sa DOF – policy and research office?!
Commissioner KIM HENARES Madam, huwag naman po ninyong DIINAN ang BoC kung hindi rin ninyo kayang ipatupad sa ahensiyang inyong pinamumunuan.
Pare-parehas lang Madam KIM and please be fair.
Pwede ba ‘yun?!
TRUST FUND NI COUN. BERNIE ANG FOR JUSTICE OR FOR FUND RAISING?
HINDI natin alam kung bakit nanggigil si Manila Councilor Bernie Ang sa isyu ng paghingi ng paumanhin (hostage taking incident) ng Pinas sa Hong Kong at paglalaan ng ‘cash ‘este’ trust fund’ para sa mga biktima umano.
Ang target daw ni Mr. Ang ay HK$15 milyones na kikikilan ‘este’ lilikumin mula sa private donations at gagamitin para tulungan ang pamilya ng mga biktima na isulong umano ang asunto laban sa awtoridad na sinasabi nilang responsable sa nasabing insidente.
Nagtataka tayo kung bakit gigil na gigil si Mr. Ang sa isyung ito at pursigido siyang mangalap ng pondo.
Hehehehe …
Sabi nga ng mga nakakikilala kay Mr. Ang, “Jerry ‘wag mo nang pag-isipan, silip na silip naman kung anong objective niya – politika at pera.”
Ganon ba ‘yun, Mr. Bernie Ang?
Politika at pera ba talaga ang nasa likod ng HK$15 milyones?!
Pakisagot lang po!
BOY TONG WONG GANG UTAK NG TONGPATS SA MAYNILA
(ATTENTION: NCRPO RD GEN. CARMELO VALMORIA)
ININGUNGUSONG utak ng lantarang kotongan o tongpats sa Maynila ngayon ay ang isang antigong tulis ‘este’ pulis ng Manila Police District (MPD) na lider umano ng kilabot na Tong Wong Gang.
FYI MPD DD Gen. Isagani Genabe, itong si alias SPO-0-2-10 BOY TONG ang siyang nangongolektong para sa MPD Office of District Director (ODD), District Special Operation Unit (DSOU), Manila Action and Special Assignment (MASA/City Hall Manila ).
Reklamo ng mga pobreng vendor, ang lider ng Wong Tong Gang ang dapat ipahuli at ipakulong ni Manila Mayor Erap Estrada sa pamemerhuwisyo sa kanila.
Sa oras na ‘di nakapagbigay ng lingguhan tong/tara sa grupo ni BOY TONG WONG ang pobreng vendors ay magdadala agad ng 6×6 truck mula sa District Public Safety Batalion (DPSB) para hakutin ang kanilang paninda sa kahabaan ng Divisoria Claro M. Recto?!
Hindi lang illegal vendor ang sinasalakay at kinokolektong ni BOY TONG, maging ang mga kobrador ng EZ-2, lotteng, jueteng, bookies, color game at video karera machine operator .
Maging ang mga tulak ng droga sa Maynila ay nakatimbre na rin sa Tong Wong Gang lalo na sa A.O.R ng MPD PS-4. NCRPO Chief C/Supt. Valmoria, pwede mo bang unahing sampolan ang tarantadong pulis na si BOY TONG WONG!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com