Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Early Christmas gift sa akin ang award na ito— Andrea Brillantes

ITINUTURING ng child star na si Andrea Brillantes na isang maagang Pamasko sa kanya ang napanalunang Child Performer award sa nakaraang 27th Star Awards for Television ng PMPC.

Ang bituin ng hit TV series na Annaliza ng ABS CBN ay sobrang natuwa sa naturang pagkilala. “Parang early Christmas gift ko na po itong award na ito,” saad ng talented na batang si Andrea

Sa TV series niyang Annaliza, gumaganap si Andrea bilang isang mapagmahal na bata, mabait, bibo na mayroong makulay ngunit masalimuot na buhay. Isa siyang anghel na magdadala ng saya at pighati, ngiti at luha, sa mga taong magiging bahagi ng kanyang buhay.

Idinagdag pa niyang masayang-masaya siya sa nakuhang parangal dahil matagal na niya itong pangarap. “Masayang-masaya po ako, kasi noong bata pa po ako gustong-gusto ko na po talagang manalo ng best actress performer e.”

Pahabol pa ni Andrea na mas gagalingan pa raw niya ang kanyang pag-arte dahil gustong-gusto niya talagang manalo ng mga ganoong award.

Samantala, maraming mga papel na gustong gampanan pa si Andrea sa hinaharap, nagpapakita ito na sa kabila nang naranasang pambu-bully noon, si Andrea ay nag-e-enjoy sa pagiging artista at sadyang mahal niya ang pagiging aktres.

“Gusto kong mag-sirena. Ewan ko kung bakit, pero gusto ko maging sirena. Gusto ko maging fairy, gusto ko mag-action, gusto ko lahat, gusto ko ‘yung mayroon akong kapansanan na role…

“Gusto ko pong maging sirena simula noong bata pa ako, pero gusto ko rin pong maging si Darna. Gusto kong maging Darnang Dyesebel,” nakangiting wika pa niya.

Sa kabila ng pagiging abala sa kanyang commitments sa showbiz, hindi naman pinababayaan ng munting bituin ang kanyang pag-aaral. Si Andrea ay nag-aaral at kasalukuyang Grade 5 sa Ambassador School for Children.

Inimbitahan din ni Andrea ang viewers ng Annaliza na laging tumutok sa kanila dahil maraming-maraming magaganda at kaabang-abang daw na eksenang hindi dapat palampasin ng kanilang mga suking manonood na mangyayari sa kanilang drama series sa Kapamilya Network.

Shaina Magdayao, naniniwalang may laban sa box office ang Pagpag:  Siyam Na Buhay

AMINADO si Shaina Magdayao na naniniwala siya sa pamahiing pagpag ng mga Pinoy. Ito ‘yung kapag galing sa burol, bago umuwi ng bahay ay kailangan munang magpagpag, upang masiguradong hindi raw susunod ang masamang espirito o anumang kamalasan.

Isa si Shaina sa bida sa pelikulang Pagpag: Siyam Na Buhay, isa sa entries sa forthcoming Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong Pasko. Tinatampukan ito ng mga teenstar na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kasama rin dito sina Paolo Avelino, Matet de Leon, Miles Ocampo, Janus del Prado, CJ Navato, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Frasco Mortiz.

Nang usisain si Shaina tungkol sa tsansa ng kanilang pelikula sa box office sa MMFF, sinabi niyang naniniwala siyang maganda naman ang laban nila sa aspetong ito.

Personally, naniniwala ako na at least ay makakakuha ng ikatlong puwesto sa box office ang Kathryn-Daniel starrer na ito ngayong filmfest. After Girl Boy Bakla Tomboy ni Vice Ganda na sa tingin ko ay mangunguna this year, magiging malapit na second placer ang My Little Bossings nina Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, at Bimby Yap, tapos ay Pagpag: Siyam Na Buhay na ang papalo sa ikatlong puwesto.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …