Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chanda, hindi raw welcome sa pamilya ng lalaking pinakasalan?

ON television, there are sad realities like time constraints to deal with.

Sa isang showbiz talk show halimbawa, hindi lahat ng mga feature stories which are plugged in the beginning get aired anywhere in the program. And the culprit: kakapusan sa oras.

Ito ang eksaktong sinapit ng isang kuwento ng Startalk  about three Saturdays ago tungkol sa kauna-unahang pagpapakasal ng premyadong aktres na si Chanda Romero. At 59 came the Cebuana actress’s chance to enjoy her marriage sa isang lalaking hindi naman nalalayo sa kanyang edad.

Una munang pinag-isa ang kanilang mga puso in civil rites, at saka binasbasan ng simbahan. For women Chanda’s age, her union serves as a beacon of hope na sa kabila ng edad ay puwede pa rin palang humabol sa huling biyahe (another classic example ay ang love story ng 68 year-old na si Boots Anson-Roa).

Anyway, when Chanda’s wedding story was first plugged bilang teaser ng Startalk—sa kawalan ng oras—ay hindi ito umere. Inalmahan ‘yon ni Rams David who arranged the sit-down interview with the couple.

Inaabangan din kasi ‘yon ng newlyweds.

Came the following Saturday, again, due to time constraints ay hindi na naman umere ang kuwento kahit pa bugbog-sarado ito sa plug. This time though, no more complaint arose from Rams David’s camp.

Sa halip na muling ireklamo ang ‘di nito pagpapalabas noong December 7 episode ngStartalk, the program staff was advised never to air it. Ang dahilan: Chanda’s wedding to her man was not welcomed by the latter’s family.

In short, ayaw umano ng pamilya ng lalaki sa aktres!

Tanong lang namin, ano bang diperensiya mayroon si Chanda to deserve non-recognition by her in-laws? Dahil ba taga-showbiz siya? Is it because of Chanda’s sexy image noong nagsisimula pa lang umukit ng pangalan sa mundong pinili niya? Malaki ba ang agwat ng antas ng lalaki sa estado ng aktres?

Whatever, the guy must be way of age who can decide on his own without the intervention of his condescending family. Eh, sa ‘yun ang pinakasalan ng kanilang kadugo, must they argue with love?

Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …