KARANIWAN na sa umpukan ng mga reporter lalo’t sa panahon ng Kapaskuhan na maging paksa ang mga artistang dalawa lang ang uri ng palad: isang nakabukas at isang nakakuyom.
Sa larangan ng physical contact, “karatista” ang tawag sa taong bukas-palad, samantalang “boksingero” naman ang bansag sa mga nakatiklop na daliri.
Ang multi-awarded actress na ito—base na rin sa mga personal account ng mga reporter—ay isang “karatista,” wari’y may matinding galit sa pera kaya naman kahit literal na hindi siya biniyayaan ng height ay matangkad naman ang tingin sa kanya ng press dahil sa kanyang sobrang pagiging galante.
But make it unreasonably generous. Noong panahon daw na halos dumapa na ang aktres na ito sa lupa nang pagkakabaon-baon sa utang at kawalan ng pera ay nakukuha rin niyang pagkunan ng mga pangregalo sa press ang isang sikat na department store sa Cubao, Quezon City.
Take note, nang walang bayad palibhasa’y numero uno niyang tagahanga ang may-ari nito. Kaya naman sagana raw ang press sa mga locally branded wallet, sinturon atbp. na ipinamimi-GUY ng bukas-palad na aktres sa kabila ng kanyang pagdarahop.
Hingan pa ba kami ng clue?
(Ronnie Carrasco III)