HINDI talaga natutulog ang Diyos. Imagine, right after the callous Bubonika took Juicy away from us, (and it’s been more than 3 long years since then, dearies) life was infinitely traumatic and gloomy and seemingly not in the least bit worth living. But after three years, it appears as if we’re bouncing back and going to be vindicated. Hahahahaha! Hayan at kinuha kami (sa tuwing may showbiz personalities na guests lang naman) ni Peter Ledesma ng staff of the show Face the People para sumuporta sa mahusay na tandem nina Gelli de Belen at Tintin Bersola-Babao. So far, our debut with the show was infinitely favorably received. Suffice to say, nakatulong talaga nang malaki ang presence ni Marvin Agustin bilang co-host ni Gelli in the absence of Tin-tin Bersola-Babao who was then vacationing abroad. Anyway, in our second episode that’s slated to get shown this coming Monday, December 16, si Ms. Janice Jurado naman ang aming tutulungang magdesisyon kung magpapa-opera ba talaga siya o hindi ng kanyang boobsies na infested na raw ng mga cancer cells. Kung ano ang kanyang magiging desiyon ay siyang matutunghayan ninyo this coming Monday sa madramang episode ni Ms. Jurado na talaga namang kukurot sa inyong mga puso. Kung na-feel ninyo ang unang episode namin sa Face the People with Ms. Francine Prieto, I’m positive na mag-e-enjoy at makare-relate rin kayo sa episode ni Ms. Janice na mas pathetic ang buhay na kina- sadlakan compared sa nasa prime pa rin namang si Ms. Francine. Anyway, I’m so happy to have received a most wonderful gift yesterday through our guesting with Face the People. From the way things are dramatically unfolding, we just might be back on national tele- vision just like some three years ago when we co-hosted Juicy with Alex Gonzaga and IC Mendoza and Morly Alinio and Rey Pumaloy. Hindi talaga natutulog ang Diyos. He knows the things that you have gone through, He makes amends at the right time.
Sa totoo lang!
AYAW MATULOG ANG GABI SA ISA PANG LOMODIC NA INGGITERA!
Ano ba ang ikinaiinggit sa akin ng isa pang guranggetch na ito na di hamak namang liquid beyond words compared sa amin at humahataw ang finances? Ayoko na sanang patulan pa ang mga nakararating sa akin dahil I’ve already said my piece in the past and I just don’t want to get into it for the umpteenth time. Ang kaso ang matandang ito raw ang humaharang pala-palagi sa amin sa mga press conferences ng fave actress naming si Marian Rivera. Ano ba ang problema mong matandang ka? You have everything in life but for some highly baffling reasons, you, perpetually, would stand in the way of the little career that we have. Buhkitttt? Inggit ka ba dahil boba ka, pango ang ilong at may pagka-idiota? Na kulang ka sa ganda at walang kakorte-korte ang lomodic mong wankata? Huwag naman sanang ganyan, matanda ka. Nagtatrabaho lang ako para sa aking pamilya but for some unfathomable reasons, you’d always stand in the way of the little mannah from heaven that would come our way. Baliw ka ba? Menauposal ka na’t lahat, kung anu-anong mga kabaliwan pa ang pumapasok sa kokote mong matanda ka! Malapit ka na nga sa hukay hindi ka pa magtika sa mga kasalanan mo’t panghaharbat. Mark my word, kapag hindi ka pa nagtigil, papangalan na kita at ibabalik ko sa ala-ala nang nakararami ang mga panghaharbat mo at panghahada sa mga karpentero. Panghahada raw sa mga karpentero, o! Hahahahahahahahaha! Don’t dare me gurangga. I can do it again! Behave!
LALONG HUMUHUSAY
Marami ang nakapupunang bukod sa gumaganda at nagbu-bloom lately, lalong humuhusay umarte itong si Kathryn Bernardo na leading lady ng humuhusay ring si Daniel Padilla sa Pagpag, Siyam na Buhay ng Star Cinema at Regal Films. In most of her scenes, perpetually ay on her toes ang lalo pa yatang gumagandang dalagita. No wonder, kahit si Daniel ay palaging in character dahil nadadala siya ng sincerity at enthusiasm sa pag-arte ng kanyang ‘love’ na si Kathryn. Hahahahahahahahahaha! Anyway, kahit sa soap nilang Got to Believe ay riveting at heart-rending pa rin ang performance ni Kathryn particularly the other night when her lolo in the soap, as delineated with aplomb by the veteran actor Jonee Gamboa, had died. Talaga namang naubos ang luha namin sa husay niyang mag-emote. Going back to Pagpag, magagaling din ang aktor na kasama nila ni Daniel dito na sina Shaina Magda- yao, Paulo Avelino, at Clarence Delgado, with able support from Matet de Leon, Dominic Roque, Miles Ocampo, Janus Del Prado, Marvin Yap, among many others. Siyempre pa, MMFF offering ito ng Regal at Star Cinema.
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here. And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
Pete Ampoloquio, Jr.