Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Villar SIPAG muling nagpasaya ng mga bata

121413 parol villar

Las Piñas 8th Parol Festival.  INIABOT  nina dating Senate President Manny Villar, Senator Cynthia Villar at Las Piñas Rep. Mark Villar ang trophy kay  Luzviminda Gallardo, ang  grand winner sa Las Piñas 8th Parol Festival na idinaos kahapon (December 13) sa VIllar SIPAG in Las Piñas City.  Tumanggap din si Gallardo ng P20,000 cash prize.

MULING napasaya ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) sa pangunguna ng Founding Chairman na si dating Senate President Manny B. Villar at Managing Director Senator Cynthia Villar ang mga bata ng Tondo, Maynila, at Tagaytay City, nang handugan sila ng iba’t ibang Christmas treat at regalo sa idinaos na taunang gift-giving event noong Sabado.

Sinundo ng mga staff ng Villar SIPAG ang 200 bata na may edad 2-13 anyos  at ang kanilang mga kasama mula sa kanilang lugar sa Baseco, Tondo, at Brgy. Iruhin, Tagaytay City. Sila ay dinala sa Christmas Village ng Brittany’s Crosswinds, isang kaaya-ayang residential area sa Tagaytay.

Tiniyak ni Senator Villar na taon-taon nilang isasagawa ang espesyal na aktibidad na nasa ikaapat na taon na ngayon.

“These children are close to our hearts. We want to make their trip and stay at Crosswinds, even for a few hours, unforgettable. We made sure that the event would be fun filled so they could always look back at the fond memories they had here,” ayon kay Senator Villar.

Sa kanyang siyam na taon panunungkulan sa House of Representatives, naghain si Senator Villar ng mga panukalang batas para sa ikagagaling ng ating mga bata.

Aniya, sa kanilang simpleng paraan, nais nilang mabigyan ng kaligayahan ang mga bata sa pamama-gitan ng Villar SIPAG.

Masayang-masaya ang mga bata habang sakay sa bus patungong Tagaytay. Isang kakaibang karanasan sa kanila ang paglalakbay na ito.

Iba’t ibang Christmas decorations ang kanilang nakita sa Crosswinds. Nagtungo sila sa Christmas Store and Santa’s House sa makabagong Christmas Village na may 20,000 pine trees.

Naglaro sila sa Christmas Village na hindi lamang para sa mga bata kundi pati sa matatanda.

Naging isang malaking Christmas party ang excursion ng mga bata na bukod sa paglalaro ng parlor games, nanood din ng magician’s show. Nakipagsaya rin sa kanila ang mag-asawang Villar.

Ayon sa dating Senate President na ngayo’y Chairman of Vista Land, ang pagbibigay ng Christmas treat sa mga kapos palad na bata ay isang paraan ng kanilang pasasalamat sa mga  tinatamasang biyaya.

Aniya, nais nilang ibahagi ang kanilang mga biyaya. Gusto rin nilang makatulong upang mapaligaya  ang mga bata sa masayang panahon ng Kapaskohan.

“We also want to spread love, which is the spirit of Christmas. We also like to get these children from their dire surroundings and let them experience something bright and cheery here at Crosswinds even for just a day,” dagdag niya.

Masayang umuwi ang mga bata bitbit ang kanilang mga regalo, bukod sa masayang alaala na idinulot ng kakaibang karanasan sa sandaling pananatili sa Crosswinds.(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …