EXTREMELY armed and dangerous. A long fugitive from justice. A cash reward of p100,000 will be given to any information of the whereabouts leading to the arrest of the fugitive; Tibo Agudo Arejola, 42 yrs old, 5’5 ft. One of the most wanted criminals of the Philippines. A native of Sta. Rosa City, province of Laguna.
A warrant of arrest for the crime of parricide was issued by the regional trial court (RTC) Biñan, Laguna. Criminal case no. 22000-b. Please contact Mayor Abner Afuang (09179148308), or call any nearest police station.
Or even ‘you’ can arrest Tibo Agudo Arejola. May batas po tayong umiiral na matagal nang lingid sa kaalaman ng taong bayan. Ito po ang tinatawag na “citizens arrest.” Base po ito sa ating Revised Penal Code (RPC) ng Filipinas. Citizens arrest of wanted criminals.
Brutal na pinatay ng puganteng si Tibo Agudo Arejola ang kanyang misis na si Melissa Perez Arejola noong August 6, 2008 dakong 12:30 am, habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Bel-Air Village, Ph-3 Sta. Rosa City, Laguna.
Dalawang putok ng baril na pawang fatal ang tama ni Melissa. Isa sa ulo at isa sa dibdib, ang ibinigay ni Tibo Agudo Arejola sa kanyang pobreng asawa, for 12 years. Binaril niya ang kanyang misis. Habang himbing na himbing sa pagtulog si Melissa Perez Arejola, anak ni Mrs. Maxima Perez ng Pleasant Village, Los Baños, Laguna.
Inuulit-ulit po bayan, ni Mayor Afuang, ang pananawagan sa atin ng mga namimighating ina at ama ni Melissa Perez Arejola, na matagal nang sumisigaw at humihingi ng katarungan para sa dagliang ikadarakip ng kanilang manugang na si Tibo Agudo Arejola, who brutally murdered his wife, Melissa Perez Arejola. Tibo is now a fugitive from justice and one of the most wanted criminals of the philippines. (To be continued)
LEVISTE PAROLE
IS A BIG QUESTION MARK
DAPAT sagutin ni DoJ Secretary Leila de Lima. Unang tanong ng bayan sa Board of Pardons & Parole officers, good conduct bang matatawag ang ‘pagpuga’ sa NBP ng convicted criminal for the case of homicide, ex-governor Antonio Leviste of Batangas?
Paano inabsuwelto ng RTC Makati ang kasong evasion of serving sentence ni convicted killer Leviste? Ganoong inaresto si Leviste ng NBI agents sa kanyang LPL Bldg. sa Makati City, dahil sa pagpuga sa National Bilibid Prison noong taon 2011. Putang inang ‘yan.
Kahit na sabihin pang isang ‘living out’ prisoner na si Leviste, hanggang sa loob lamang ng NBP reservation ang prebilehiyo niyang makagala at makalabas. Not outside the reservation of the National Bilibid Prison located in the City of Muntinlupa.
Kapag lumabas ka na sa DoJ Secretary Leila De Lima sa reservation ng NBP ay isa ka nang pugante sa batas. Are you naive of these rule of law? DoJ Secretary De Lima? Ang BuCor po bayan ay under ng DoJ, kasama na po rito ang NBI at Bureau of Immigration.
Ayon kay De Lima, good conduct kuno ang ipinakita ni Leviste, kaya siya na-qualified na bigyan ng parole ng BPP. Ganoon? Putang inang ‘yan!
Good conduct bang matatawag, De Lima ang pagtakas ni Leviste sa NBP reservation? Dahilan kaya hinuli ng NBI si convicted killer ex-Batangas Governor Leviste sa kanyang LPL Bldg., sa Salcedo Village, City of Makati noong taon 2011. Good conduct? Pwe!!!
Despite of being caught sneaking out of NBP while serving the sentence of 12 years imprisonment, sa halip doblehin ang 12 years imprisonment dahilan sa pagtakas ni Leviste sa NBP, parole pa ang iginawad na parangal ng BPP. Sa tungki pa mismo ng ilong ng DoJ, Secretary delilah, este De Lima. Diyos ko po!
Ipinagtanggol ni De Lima ang convicted VIP prisoner na si Leviste, justify daw kuno ang pagbibigay ng parole ng Board of Pardons & Parole. A million dollar question na dapat ipaliwanag sa inyo PNoy ng DoJ Secretary. Anong say po ninyo Sen. Loren legarda?
Anong pagkakaiba po bayan, mayroon rich, convicted criminals, kompara sa mga pobreng prisoners sa NBP?
Apat na BuCor officers at isang prison guard ang na-dismiss sa isyu ng pagpuga ni Leviste, sa kasong infidelity of prisoners. Ang tatlo po’y sina NBP Asst. Director Boy Miranda, Supt. Danny Cruz at Supt. Rabo at ang prison guard na may siyam o sampung “living out” na nakatoka sa kanya, kay P.G. Justo. Isa na nga rito sa living out prisoner ay si Leviste, na inabsuwelto pa ng korte sa evasion of sentence kuno. Ayon sa korte, hindi pumuga si Leviste sa NBP, sa kabila na inaresto si Leviste sa bahay niya sa lungsod ng Makati. E, ginoong hukom, bakit tinanggal sa tungkulin o dismissed from the service ang 5 pobreng NBP officials kasama na si Justo, a prison guard na may 9 o 10 ‘living out’ na binabantayan, isa na nga ang puganteng si Leviste.
No one is above the law. Except the rich and the famous convicted killer. Ex-Gov. Antonio of Batangas. Putang inang ‘yan at putang inang ‘yan pa!
Abner Afuang