Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sangkaterbang kolektor pipila sa PNP-NCRPO?

ILANG araw pa lang ng pag-upo ng bagong hepe ng Metro Manila na si Chief Supt. Carmelo Valmoria bilang National Capital Region Police Office Director ay mahaba na raw agad ang pila ng mga galamay ng kung sino-sinong gambling lords at ilegalista para makalapit at agarang makilala kung sino ang ‘bagman.’

Tama ba  Fred at Rolly?! Kayo nga ba ang opisyal na pagmamanohan ng sangkaterbang mga kolektor para sa mga intelehensiya.

Si Chief Supt. Valmoria  ang pumalit kay Gen. Marcelo Garbo, Jr., na na-promote at ngayon ay itinalagang Philippine National Police Directorial Staff Chief.

Hahamunin natin ngayon ang power ni Gen. Valmoria kung paano niya haharapin ang ‘payola’ mula sa mga gambling lord na nag-o-operate ng jueteng, loteng, bookies at jai-alai sa NCR.

Narito ang ilan sa mga mamamahagi ng pamasko (all year round) sa NCRPO BICUTAN base na rin sa timbre ng ating mga impormante… nariyan sina Tony Santos o “Bolok Santos” na kilalang gambling lord mula sa Marikina City na nag-o-operate hanggang Camanava, Pasig City at Rizal province na may naipundar na malalaking bahay sa Marikina at sa Brgy. San Antonio, Pasig City.

Ilan sa mga sinasabing lider ng mga kabo ay ang mga nagngangalang Mayo “May” dela Rosa na residente ng Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Rosario, Pasig City; Sina Gigi Kaingat, Roland Mercado na parehong mga kalbo at isang Gary Villanueva ang bumabalwarte sa Caingat compound, Dr. Sixto Antonio Ave., Brgy. Rosario; operator ng loteng sa Pasig City ang mag-asawang Cris at Rose at operator naman sa Quezon City sina Lito Motor, Ver Bikol, Pinong at Don Roman; Edu Falseco na residente naman ng Brgy. Pasong Putik, QC na ang kanyang kapatid na si Vans Dunca ang protektor ng illegal gambling sa Brgy. Pasong Putik.

Egay Lazaro naman ang kolektor ng jueteng at paihi sa Camanava.

Dito makikita natin kung ano ang magiging estratehiya ng bagong pamunuan ng NCRPO.

Kung pananatilihin ba ang intelehensiya o itataas ang tara? O patitigilin muna ang operasyon ng mga gambling lord.

At sino-sino naman kaya ang magsisilbing mga bagong kolektong ng Bicutan na magwawagi sa bidding. Hehehe … Nagtatanong lang po tayo Gen. Valmoria dahil iyan din ang ibinubulong ng mga impormante ng Target.

Si FRED LUMBA  alyas “ Fred tisoy “ o si Rolly kupal na gamit ang isang  opisyal na si alias Domingo sa Bicutan ang mababasbasan kaya? Sino kaya ang mananalo uli sa  bidding ng tong collection sa NCRPO na ang bagyong padrino ay si BEBE Marcelo!

Hak! Hak! Hak! Abangan!

Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag txt sa 09196612670 / 09167578424  sa  sumbong o reklamo o mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …