Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Recto sinaklolohan si Ate Vi

IPINAGTANGGOL  ni Senate President  Pro-Tempore Ralph Recto ang kanyang maybahay na si Batangas Governor  Vilma Santos-Recto kaugnay ng ulat na nabigo ang gobernadora na makapagsumite ng kanyang Statement of Contribution and Expenses (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) sa nakalipas na halalan.

Ayon kay Recto hindi, maaaring hindi nagsumite ang kanyang maybahay dahil obligasyon ng bawat isang kandidato natalo man o nanalo matapos ang halalan.

Tinukoy ni Recto na naghain ang kampo ng kanyang asawa ng SOCE bago pa man ang takdang deadline nitong Hunyo 6 ng taon.

Binigyang-diin ni Recto na mayroon silang hawak na certificate of compliance mula sa Comelec Batangas na magpapatunay na nagsumite ang kanyang asawa ng SOCE.

“We have a certificate of compliance dated June 6 from Comelec Batangas that we complied,” ani Recto.

Inamin naman ni Recto na nagulat sila lalo na si Ate Vi, sa ginawang press conference ng Comelec kamakalawa ng umaga na nagdidiin na nabigo ang gobernadora na sumunod sa itinatadhana ng batas.

Binigyang-linaw ni Recto na kung mayroon problema o pagkakamali sa isinumiteng SOCE ng kanyang asawa ay sana sinabihan sila ng Comelec upang ito ay kanilang maitama.

Matatandaang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na dapat ay bakantehin ng mahigit 400 nanalong local officials ang kanilang pwesto matapos na sila ay mabigong sumunod sa batas na magsumite ng SOCE.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …