Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Petron vs Meralco sa Dipolog

IBAYONG tikas at konsentrayon ang kailangan ng Petron Blaze kung nais nitong mapanatiling malinis ang record nito kontra Meralco sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 3:30 pm sa Dipolog City Sports Center sa Zamboanga del Norte.

Dumaan sa tatlong dikit na laro ang Boosters para mapanatiling walang bahid na pagkatalo ang record. Sa kanilang huling game ay naungusan nila ang Air 21, 90-88 sa last second shot ni Alex Cabagnot para sa ikaanim na sunod na panalo.

Sa kabilang dako ay siguradong tumaas ang morale ng Bolts matapos ang 72-54 come-from-behind na panalo kontra SanMig Coffee. Ang Bolts ay may 3-3 record.

Kaya naman hindi puwedeng sabihin na magiging madaling assignment ang Bolts sa out-of-town game na bahagi ng Petron Saturday Special ng liga.

“It’s nice to win games like this one because it builds character. But, of course, we’d like to win  more convincingly,”  ani coach Gelacio Abanilla III.

Bukod kay Cabagnot ay nagbalik din sa active duty para sa Boosters kontra Express si Chris Ross. Hinihintay pa ni Abanila ang pagbabalik ng mga injured players na sina Ronald Tubid at Yousef Taha.

Ang Petron ay patuloy na binubuhat nina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Chris Lutz at Marcio Lassiter.

Kontra sa SanMig Coffee ay hindi sumuko ang Meralco kahit pa lumamang ng 18 puntos ang Mixers sa third quarter.

Ang rally ng Meralco ay pinamunuan ni John Wilson na tinulungan nina Jared Dillinger at Reynell Hugnatan.

“We hope to sustain this kind of intensity against a dangerous team like Petron,” ani Meralco coach Paul Ryan Gregorio.

Patuloy na nami-miss ng Meralco ang serbisyo nina Kerby Raymundo at Cliff Hodge.

Inaasahan ni Gregorio na malaki rin ang iaambag nina Gary David, Sunday Salvacion, Mike Cortez at Don Carlos Allado laban sa Boosters.

Magpapatuloy ang aksyon sa Martes sa Smart Araneta Coliseum kung saan magtatagpo ang San Mig Coffee at Barako Bull sa ganap na 5:45 pm at magduduwelo ang Talk N Text at Rain Or Shine sa ganap na 8 pm.

Ni SABRINA PASCUA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …