Monday , December 23 2024

Pangongotong ng 2 QC cops sa boundary ng San Mateo at QC, tuldukan!

PAKNER- pakner kung lumakad ang kinikilalang “riding-in-tandem.” Salot ngayon ang sindikato sa lipunan.

Ibang klase na ang ‘pakner’ na ito,  dati-rati ay nang-aagaw lang sila ng bag pero ngayon ay pumapatay na sila para lang kumita.

Sa Kyusi ay lagi rin tumutira ang ‘pakners in crime’ na ‘yan. May mga nahuhuli din ang mga lespu ng QCPD, ‘yun nga lang, mga lalaki naman ‘yang mga kriminal na ito pero ang bilis nilang dumami. Hindi naman sila nanganganak pero bakit kaya lumolobo ang kanilang bilang?

Kung may riding in tandem na tumutira sa Kyusi – pumapatay para lamang kumita, hayun mayroon din masasabing ‘riding-in-tandem’ ang QCPD.

Yes, tumitira rin sila. ‘Nanghoholdap’ ng mga motorist at ang paborito nilang holdapin ay mga nagmamaneho ng motorsiklo.

Ilang beses na rin naireklamo sa inyong lingkod ang QC riding in tandem cops. Tatlong beses rin tayong nagsagawa ng obserbasyon sa paborito nilang lugar.

Minahan ng dalawang gagong QC pulis na gamit pa sa kanilang kagaguhan ay motorsiklo ni Mayor Bistek. Oo iyong motorsiklong ibinigay ni Mayor Bistek sa QCPD.

Batid kong mahigit sa 20 pirasong motorsiklong ang donasyon ni Mayor Bistek sa QCPD para makatulong sa kampanya laban sa kriminalidad ngunit, tila ang motorsiklo ni Bistek ay nagagamit yata sa kagaguhan.

Tama ang nabasa niyo, ginagamit sa kalokohan ng dalawang pulis ng QCPD ang motorsiklong para sa panghabol sana ng mga kriminal.

Ginagamit nila (tig-isa pa sila), sa pangongotong ang motorsiklo. Araw-araw at tuwing hapon  dakong 3:30 hanggang 4:30 kung gamitin ang motorsiklo na parang pang-karera ang style.

Pagsapit ng naturang oras ang dalawang pulis ay pumupuwesto sa boundary ng Quezon City at San Mateo, Rizal. Ang partikular na lugar ay sa QC-San Mateo Road.

Lahat ng motorsiklong pumapasok sa Kyusi mulang San Mateo ay kanilang sinisita kahit na walang nilabag na batas at wala rin alarma mula QCPD o sa San Mateo Police na may naganap na krimen at riding in tandem ang sangkot.

Sinisita ang kung ano-ano sa drayber pero sa huli ay kokotongan lang pala. Pinakamababang tinitira nila sa bawat drayber ay P100.00.

Hindi lang isa, dalawa, tatlo o apat ang ipinatatabi ng dalawang QC pulis o riding in tandem QC cops, kundi lahat ng alam nilang puwedeng pagkakitaan.

Batid mong kotong ang lakad ng dalawa dahil bukod sa wala naman alarma ay hindi nila iniisyuhan ng traffic violation ticket ang kanilang sinisita.

Kamakailan, isang motorista na tumabi sa tinambayan kong tindahan ‘di kalayuan sa pinupuwestohan ng dalawang mangongotong na pulis ang nakausap ko. Isa siya sa 10 nakita ko na pinatabi.

Hindi po tayo nagpakilala. Tinanong ko kung ano ang kanyang violation. Wala naman daw. Tiningnan lang daw ang kanyang lisensya at registration.

Dahil sa kompleto ang papeles, nagulat na lamang daw siya nang sitahin ang basag niyang ilaw sa likod. Violation daw ‘yun.

To make the story short para okey na,  kinotongan siya P100 pero P50 lang daw ang kanyang ibinigay dahil wala siyang pera. Pinatulan naman daw ang P50.

Chief Supt. Richard Albano, QCPD District Director, your attention is badly needed. Kalusin n’yo na po sir ang katarantaduhan ng dalawang lespu na ito.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *