Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paghahanda sa Kapaskuhan ng GRR

ILANG tulog na lang at Pasko na.  Siyempre, abala na ang mga tao sa pagdiriwang sa pagsilang ng katangi-tanging sanggol sa isang sabsaban sa Jerusalem.

Kahit ano ang estado ng buhay ang mga masayahin at Katolikong Pinoy ay itatabi muna ang problema at magdaraos ng isang kukuti-kutitap at makulay na okasyon kapiling ang mga mahal sa buhay.

Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00 a.m. ay itatampok  ang iba-ibang pakulo na naimbento ng mga Pinoy para sa dekorasyon sa Pasko, Bagong Taon, at Pista ng Tatlong Hari.

Ipakikita rin ni Mader Ricky Reyes ang mga kakaiba at masasarap na pagkaing natitikman lang pag may Simbang Gabi.  Ano-ano nga ba ang mga ito?

Tinutukan naman ng mga tauhan ng GRR TNT ang bazaar ng mga celebrity na ang kinita’y inilaan sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Bisaya.

‘Di man mala-pista ang ihahain sa Noche Buena at Media Noche, patutunayan ni Mader na masarap magsalo ang pamilya kapag may magaganda at sariwang prutas at bulaklak na nasa sentro ng hapag-kainan o “centerpiece” na madaling gawin.

“Puwede rin itong pagkakitaan,” sey ng host-producer.

Sisimulan na ang reality contest na Mr. and Ms. Sogo  Ambassador para sa pagliligtas ng ating kapaligiran. Joint venture ito ng Sogo Hotels at Gandang Ricky Reyes Salon.

Huwag kaligtaang manood ng programang prodyus ng ScriptoVision na makakasama n’yo sa paghahanda sa isang Paskong Pinoy.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …