IBA talaga ang dating ng isang Anne Curtis, ang sinasabing pinaka-popular at pinaka-kontrobersyal ngayon sa local showbiz.
Meron bang hihirit kung sabihing ‘No. 1 si Anne Curtis’ sa kanyang kinalalagyan sa kasalukuyan dahil sa kaliwa’t kanang pagbatikos sa kanya ng mga halatang inggit.
Matatandaang 2012, si Anne Curtis ay nahirang na No. 1 sa listahan ng 100 Most Beautiful Stars in local showbiz ng isang sikat na monthly entertainment magazine.
At bago ‘yan, si Anne ang mayroong pinakamaraming friends and followers, na umaabot ng milyon-milyon, sa kanyang Twitter account.
For two or three years now, si Anne Curtis ang may pinakamaraming billboards ng sari-saring produkto sa EDSA and beyond.
At sa mga sosyal na fashion mags tulad ng Cosmopolitan, tumingin ka sa isang issue sa mga taong 2012 at 2013 at talaga namang namumutiktik ang print ads niya sa maraming pahina. At iba’t ibang produkto—mula sa cosmetics, fashion clothes, food, drinks, cars, real estate and condos at kung ano-ano pa.
Name any product and chances are the face, back, arms, legs, shoulder, hair or whole body of Anne Curtis are there.
Bilang number one product endorser, si Anne lang yata ang local celebrity na iba-iba ang rate o bayad sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
May Best Actress na rin si Anne mula sa Metro Manila Film Festival (“Baler”) at FAMAS (“No Other Woman”).
Top rated ang noontime show niya at anumang teleserye ang gawin niya ay talagang inaabangan at tinatangkilik ng marami.
Pati ang concert scene ay na-invade na rin niya via “Anne-bisyosa” (2012) at talaga namang dinumog ito sa Smart-Araneta Coliseum. Maliban sa isa pang non-singer na si Vilma Santos (circa early 1970s), bukod tanging si Anne Curtis lang ang isa pang sikat na non-singer na bumebenta nang husto sa madla. Mamatay na sila sa inggit!
At ang lovelife ni Anne—form Richard Gutierrez to Sam Milby to Erwan Heussaff, talaga namang A-list at nakakainggit din.
Maganda ang record at career path ni Anne at hindi ito basta-basta mabubura ng isang “very human error.”
Nagkamali siya. All right, pero nang matauhan kinaumagahan ay agad-agad nag-apologize sa mga taong involved. She owned up her mistake, admitted that she had drunk too many, and she went overboard. But, get this—she did it because she was provoked. And yet, she had the honesty and candor to admit and face her detractors pointblank, as she said in her Twitter account.
It was gentlemanly of John Lloyd Cruz and Jake Cuenca to have kept quiet regarding the whole issue, and did not add unnecessary flair to the growing fire. Even ex-boyfriend Sam Milby was circumspect when he was asked about Anne.
Phoemela Baranda’s statement on TV was supportive of Anne and Vice Ganda’s unsolicited advise of Anne show how well-liked and well-loved she is by her colleagues.
The “It’s Showtime” Family is all out in protecting and defending its wayward but repentant member, so all’s well that ends well.
Ang hindi pagtigil ng mga basher ni Anne mula sa print at social media ay patunay lamang na she is still No. 1 in showbiz universe. Anne “lifted” a finger, as it were, and look where it has gotten her. Bongga siya!
Several years ago, hinulaan ng yumaong Jojo Acuin, through his “resident” seer, na talagang sisikat nang husto at mamamayagpag ang bihira at kakaibang beauty ni Anne Curtis.
At iyon ay natupad nga, gaya nang mas nauna niyang hula noon—again through his “resident” seer—na sisikat din nang husto at mamamayagpag sa telebisyon si Coco Martin. But Anne Curtis is a multi-media star unlike no other.
Tama si Boy Abunda: “Hollywood” at “pang-international” ang dating niya.
Art T. Tapalla