Monday , December 23 2024

Marian’s selective Christmas party for the Press, nag-boomerang sa aktres (Ito rin daw ang pinaka-worse…)

IT was publicist Chuck Gomez who facilitated the non-selective distribution of Puregold’s Christmas giveaways among the members of the entertainment media,  and why such items gayong it would have been much easier kung gift certificates na lang ang ibigay ng chain of supermarkets na ito?

Sagot ni Chuck:  Puregold opted to donate the GCs to the typhoon Yolanda victims.

More than a hundred ang mga nakalistang pangalan sa papel na hawak ni Chuck, na matiyagang nakaposte sa Starbucks sa Imperial Suites mula 11:00 a.m. until late afternoon two Mondays ago, himself handing the bag of goodies—tinext man niya o napadaan lang sa area na ‘yon.

That was the day before Marian Rivera hosted a press party, na inirereklamo ng maraming reporter ang pagiging strictly invitational nito. Umasa kasi sila na ngayong wala na si Marian sa poder ng press-unfriendly na si Popoy Caritativo at ngayo’y nasa pangangalaga na ngTriple A, what stood like a sturdy wall between Marian and some members of the press ay matitibag na.

Marian’s press party this year, however, was even worse.

Personally, we were quick in defense of Marian. Kilala ba niyang lahat ng nasa press for her to decide kung sino ang dapat lang maambunan ng kanyang ibabahaging biyaya, at kung sino ang dapat niyang pagkaitan?

Sabi nga ni Chuck who’s also tasked to draw a media list in every event na hinahawakan niya, ”Hindi na kinukuwestiyon ng kliyente ko kung sino-sinong iiimbitahan ko. Titingnan lang niya kung magkano ang ilalabas niyang budget based on the list na sina-submit ko. Eh, kaya nga nag-hire siya ng taong tulad niya, pati ba naman pag-iimbita, eh, kailangan niyang problemahin?”

Tuloy, as a result of this selective invitation that happens under the celebrity’s nose ay sa kanya tuloy nagbu-boomerang ang mga tira ng press, and in Marian’s case, she’s the one getting all the flak.

Hirit ni Chuck, “Friend, kung hindi ko man kayo na-text na mayroon akong event, go na lang kayo kapag nabalitaan n’yo. I owe where I am now to you. Hindi ako magkakaroon ng trabaho kung hindi dahil sa inyo.”

Earlier that day, may nauna nang tabloid editor swooped down on the appointed place.  Nang sipatin daw nito ang laman ng bag, tinanong nito si Chuck:  ”Nasaan ang press release?” Kadalasan na kasing kakambal ng mga ganoong freebies ang ilang pahinang pralala “for immediate release” sa mga publikasyon.

Sagot ni Chuck, “Naku, hindi po kailangang isulat ang ipinamimigay sa inyo!” Sorry, Chuck, if we violated the unwritten/unspoken rule. We just felt that this item had to find its way in our column.

Okey lang maging selective ang ilang event organizer lalo’t presscon ng pelikula ang hinahawakan niyang project, but should a press gathering in a supposed season of sharing be made exclusive and enjoyed only by the blessed few?

Dahil sa mga

achievement…

Jasmine, prized possession ng TV5

MULING pumirma ng three-year exclusive contract ang tinaguriang TV5 Princess (on a season basis, says she) na si Jasmine Curtis-Smithcontrary to speculations that the young actress is bolting the gates of her home studio.

This early part in her career, Jasmine has so far scored a feat that stars her age have not achieved, isa rito ang kanyang Best Supporting Actress trophy in the recent Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang Transit, na itinanghal na Best Picture at opisyal na kalahok ng bansa sa Oscars.

This explains why TV5 looks at her as the network’s prized possession.  At sa loob nga ng tatlong taon niyang muling pananatili sa estasyon, isang weekly series titled Jasmine for 2014 will serve as the ultimate test to her acting.

Bukod dito, magiging abala rin si Jasmine sa hosting. But what’s most significant among all these breaks ay ang film project ng TV5, a collaboration among the network, a reputable advertising agency ang Unitel.

During the open forum, naitanong namin kay Jasmine who does she sincerely believe is her counterpart in GMA and in ABS-CBN. While most stars perhaps would come up with specific names given the same question, sabi ni Jasmine ay wala ninuman sa dalawang network ang kanyang co-equal.

Speaking for TV5, ani Jasmine, the station is offering shows that the audience has never seen yet, but would be eager to watch.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *