Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Salle, SWU handa sa finals ng PCCL

MAGSISIMULA sa Lunes, Disyembre 16, ang best-of-three finals ng Philippine Collegiate Champions League na paglalabanan ng De La Salle University at Southwestern University ng Cebu.

Gagawin ang buong serye ng finals sa The Arena sa San Juan at mapapanood ang laban nang live sa Studio 23 simula alas-4 ng hapon.

Tinalo ng Cobras ang Far Eastern University, 86-71 samantalang nalusutan ng Archers ang San Beda College, 64-60, sa huling araw ng Final Four noong Huwebes.

“We’re proud to represent not only Southwestern, but the whole of Visayas and Mindanao,” wika ni Cobras coach Yayoy Alcoseba na sisikaping maging unang coach mula sa Visayas na manalo ng titulo sa PCCL.

Nakapasok sa finals ang University of Visayas na pinangunahan ni Greg Slaughter noong 2007 ngunit natalo ang Lancers sa Ateneo.

Sisikapin naman ng La Salle na makuha ang ikalawang kampeonato sa PCCL pagkatapos na naghari sila noong 2008.

Gagawin ang Game 2 sa Martes at kung may Game 3, sa Huwebes ito lalaruin.        (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …