ngayon ng Department of Education (DepEd) ang kaso ng batang boksingerong si Jonas Joshua Garcia ng San Miguel, Bulacan na na-comatose noong Lunes sa isang ospital pagkatapos na bigla siyang nahilo sa isang laban ng Central Luzon Regional Athletic Association noong Lunes sa Iba, Zambales.
Sinabi ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali sa isang panayam ng ABS-CBN News na sinunod naman ng mga organizer ng torneo ang mga patakaran tungkol sa kaligtasan ng mga boksingero.
“Ang una po naming ginawa namin dito ay tinanong kung nasunod po ba ang atin pong patakaran sa pagsasagawa ng boxing event. Ang atin pong tournament manager po na nangangasiwa po dyan ay miyembor ng (Association of Boxing Alliances in the Philippines Inc.). Initially, we found out na nasunod naman po,” wika ni Umali.
“Sa lahat halos ng larangan ng palakasan, may inherent risk po. Maski po sa basketball pag nasahod baka mabagok ang ulo. Sa baseball, baka tamaan ng bola.”
Brain dead na ang 16-taong-gulang na si Garcia at sinabi pa ni Umali na hindi pa tapos ang imbestigasyon ng DepEd tungkol sa insidente. (James Ty III))