SA launching ng American Heritage (small appliances) na si Dawn Zulueta ang bagong endorser after Sharon Cuneta, inamin ng aktres na sa bahay nila, talagang hindi siya ang cook kundi ang kanyang mister na si Representative Anton (Lagdameo).
“Siya talaga ‘yung mahusay magluto and I’ve learned so much from him. Sa kanya ‘yung mga roasting-roasting. Ako naman, ‘yung sa mga raw—’yung hindi nagre-require talaga ng heavy cooking—mga salad, pasta, ganyan. Kaya, ‘am very happy na they got me para i-endorse these small appliances kaya ginaganahan ako talagang magluto now dahil ang cute at ang gaganda ng mga bago nilang inilabas na appliances na dala pa ang pangalan ko, Simply Dawn.”
Sabi naman ni Dawn, ilan sa mga gamit na niya rati pa eh, may tatak na ng American Heritage, at ikinatuwa pa niya ang misyon ng mga may-ari ng nasabing small appliances, ang makatulong at makadiskubre ng mga future chef sa bansa.
“That’s why they launched this Campus Kitchen Battle Year among schools and universities. This is their second year. And sa limang schools na naglaban today, ang UST ang nagwagi at runner-up nila ang La Salle-Dasmarinas na nakakuha naman ng special prize na People’s Choice. Hindi ako mahihiya magsabi na tried and tested ko na ang kanilang versatility and durability. Kaya ang sabi ko nga, they are my best friends in the kitchen. And thanks to my husband na masasabi kong best cook in the world, naging paborito ko ‘yung turbo broiler, eh. Kasi marunong na ako mag-pork liempo and roast chicken.”
Ano ang espesyal na putaheng hindi mawawala sa kanilang hapag ngayong Kapaskuhan? Saan sila magse-celebrate?
“Usually, he prepares our own version ng glazed ham. Ako naman sa raw items, salad. And because I’m middle-Eastern, nakagagawa naman ako ng dips, mga chick peas, tabbouleh salad, me being of Lebanese descent. Mga raw stuff. But when you have these gadgets, gaganahan ka na talaga to be in the kitchen kahit pa simple lang ang recipes you would concoct. Ang favorite ko that Anton prepares eh, ‘yung poached salmon, rack of lamb, Korena beef stew. Christmas, lahat pinupuntahan namin. The Lagdameos and the Floirendos.
“We spent Christmas in the US last year, in New Jersey. Of course, we’ll still celebrate it. It’s Christ’s birthday. How can we not celebrate that? I only saw when these things happened na yes, there are still so many people na losing hope na in humanity pero with the other people all over the world who reached out, masasabi mo mas marami pa rin ang mababait. We also reach out, whatever we could. Alam natin, the healing will take a longer while. Marami pa rin silang needs. But I am a fan of Christmas. Kaya naniniwala pa rin ako na we ought to celebrate it. As an artist, there is so much going on. And maganda ang ginagawa ng mga network. But this time, I think, we’ll take advantage of the time for the kids na mag-US uli kami. Kasi, in the summer dapat. Kaya lang, nag-campaign noon si Anton and ako rin had my hands filled with projects. Kaya, we wouldn’t want the kids to suffer naman.
“Ako nga, when I go around, ni hindi ko kailangang maglabas ng something sa bulsa. When they see me and I see the smiles in their faces, alam mo na nakabibigay ka na ng hope sa kanila.”
Hindi pa natutuloy ang pagsasama nila ni Goma (Richard Gomez) bilang loveteam sa big screen. Although sa Sugo na para sa 100th year ng Iglesia Ni Cristo eh, magkakatrabaho sila.
“But different ‘yung magsasama kami as a loveteam. Our supporters are really waiting for that. But I will have muna a teleserye, ‘yung ‘You Are My Home’ with Shaina Magdayaw, Cherry Pie Picache and Iza Calzado. Imagine, after 20 years-bonus na lang ang lahat ng nangyayring ito sa akin.”
MMK, nangalap na ng mga istorya sa mga probinsiya
NANAY role ang gagampanan ni Ara Mina to Nash Aguas sa isa na namang espesyal na episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) this coming Saturday, December 14 sa ABS-CBN, sa direksiyon ni Nuel C. Naval, na isinulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio ang script mula sa sinaliksik na istorya ni Agatha Ruadap.
Ang conflict, nang iniwan sila ng kanyang ama, sinikap na ni Christian (Nash) na ibalik ang mga ngiti sa mga mata ng kanyang ina (Ara). Kaya sa school niya, he made it a point na maging maganda ang grado niya. At naging cellist pa siya sa Musikito Orchestra nila.
Pero, may ibang iniinda ang kanyang ina. At sa sobrang kalungkutan mas minabuti nitong tapusin na ang buhay. Kahit pa bumalik na sa buhay nila ang nawalang padre de familia. Sinikap ni Christian na ipagpatuloy ang kaalaman niya sa musika at umaasam na magkaroon ng puwang sa industriya nito at ngayon eh, miyembro na siya ng Orchestra of the Filipino Youth.
Makakasama sa nasabing episode sina Deydey Amansec, Archie Alemania, Eva Darren, Casey de Silva, Jeffrey Hidalgo, Elaine Quemuel, at Jessette Prospero.
Samantala, nag-ikot na sa sari-saring probinsiya ang MMK creative team para kumalap pa ng mga istoryang maibabahagi sa nasabing palabas. Kumatok na sila sa sari-saring tahanan at ‘di na naman matingkala ang mga istoryang nakahanay para abangan ng mga manonood sa patuloy sa pamamayagpag ng Maalaala Mo Kaya, ang istorya sa loob ng bawat tahanan.
Pilar Mateo