Monday , December 23 2024

Brown tutulong sa mga biktima ng Bagyo

NAGDESISYON ang dating PBA superstar na si Ricardo Brown na tumulong din sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda na tumama sa Visayas noong Nobyembre.

Sa panayam ng isang programa sa telebisyon sa California, sinabi ni Brown na magtatayo siya ng konsiyertong kinatatampukan ng grupong Society of Seven na gagawin sa Disyembre 19 sa Cerritos Center for the Performing Arts sa Cerritos, California.

Ang Society of Seven ay ang grupong dating kinabibilangan ni Bert Nievera na ama ni Martin Nievera.

“We were very touched with what happened to the typhoon victims so we decided to hold this benefit concert at a big venue with the help of the mayor,” wika ni Brown. “Although my role is a small one, I’m still happy to help our kababayans.”

Si Brown ay isang school principal ngayon sa California pagkatapos na napilitan siyang magretiro sa paglalaro sa PBA noong 1990 dahil sa kanyang sakit sa puso.

Bumalik sa Pilipinas si Brown noong isang taon upang tanggapin ang kanyang parangal bilang kasama sa PBA Hall of Fame mula kay Komisyuner Chito Salud.

Naglaro si Brown para sa Great Taste Coffee at San Miguel Beer mula 1983 hanggang 1990 at tinanggap niya ang pagiging MVP ng PBA noong 1985.

Nag-average siya ng 23.6 puntos at limang assists sa kanyang paglalaro sa PBA.

Sa nasabi ring panayam sa TV, sinabi ni Brown na bukas siya sa pagbabalik sa PBA bilang coach o team manager kapag nagretiro na siya sa pagiging guro at principal.

“I still have an itch to go back to the PBA. I’m very content with what I’m doing helping young kids. I feel that I have a lot to give back and I want to adopt my education skills since I still know a lot about the game,” ani Brown.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *