Monday , December 23 2024

Bata sasargo sa Ynares 10-Ball Billiardsfest

NAKATAKDANG sumargo  ang first invitational  Mayor Boyet Ynares 10-ball billiards championship sa Disyembre 28, 2013 sa Binangonan Recreation and Conference Center sa Binangonan, Rizal.

Tampok ang top cue artists mula Metro Manila at manggagaling sa probinsiya dakong alas-diyes ng umaga sa one-day 10-ball invitational event na hosted ni Binangonan, Rizal Mayor Boyet Ynares sa pakikipagtulungan ng Puyat Sports at suportado ni Philippine Billiards God Father Aristeo “Putch” Puyat.

Mismong si Filipino hall of famer at double world champion Efren “Bata” Reyes, top player ng Puyat Sports ang mangunguna sa simple opening ceremony bago magsimula ang kompetisyon.

Si Reyes na nagkampeon sa World 9-ball noong 1999 sa Cardiff, Wales at World 8-ball noong 2004 sa Fujairah, UAE ay makikipagtuos kontra kay former Southeast Asian Games gold medallist Victor Arpilleda sa isang exhibition match isa sa  highlight ng nasabing affair.

Si Ramon “Maestro Monching” Mistica na gumiba kay Filipino pool legend Jose “Amang” Parica sa mid 80’s ang tournament director sa nasabing billiardsfest na layuning mapalaganap ang larong bilyar sa grassroots-level at para makadiskubre ng future world champion.

Kabilang sa mga nagpatala na imbitadong pool wizards ay sina Edgar “Malabon” Acaba, Romeo “Salamin” Del Rosario, Rodrigo “Edgie Marilao” Geronimo, Kenken Arpilleda, Danny Joy Trazona, Alex Lumpay, Tata “Puti” Bautista at former World Junior of pool 3rd placer Jonas Magpantay.

(Marlon Bernardino

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *